Ruled
Headache
Edward:
I'm always here for you, Franca. Cheer up.
Philip:
Heard about Tina and Sofia. Are you okay?
Rick:
Tara hang out libre kita :)
Irah:
Let's gym.
Si Irah ang nireply-an ko. Magegets na ng boys kung di ako nagreply. Kunwari nalulunod sa lungkot kahit ang totoo ay wala naman talaga akong pakialam kahit pa hindi na maging okay si Tina at Sofia. I have more friends.
It's been months after what happened and they're assuming that I'm sad. Ni kaonting awa nga ay wala akong naramdaman noong ginawa ko iyon malungkot pa kaya?
Ako:
Sure!
Sabado kaya walang pasok. Irah's maintaining her body figure since she's planning to be a model. Nagkakainteres siya sa ganoon simula pa noon.
I have my own gym bag. Inabala ko lang ang sarili sa paglalagay ng puting shirt at shorts short. Nagbihis lamang ako ng komportableng damit saka rin ako bumaba dala iyon.
"Manang, nasa'n si Mommy?" tanong ko nang madatnang walang tao sa living room.
"Ah, mukhang sumama po ang Mommy niyo sa kompanya, Ma'am," aniya habang abala sa paglilinis.
Tumango ako at kinuha ang aking cellphone para i-text si Irah.
Ako:
I'm done. Mommy isn't around. Sunduin mo nalang ako at magpahatid tayo sa family driver niyo.
Lumalabas na ako patungong veranda nang matanggap ulit ang message niya.
Irah:
Okay
Binasa ko ang labi at tuluyang lumabas. Sumunod si Manang para isarado ang gate. Hindi pa gano'n ka sakit sa balat ang araw ngunit maliwanag na ng kaonti lalo na't seven na rin.
Humalukipkip ako habang tinitingnan ang iilang malaking bahay sa paligid. Nagkalat din ang mga puno at malinis ang lugar. Tinanaw ko ang kalsada at mukhang wala pa si Irah.
Dapat pala sa loob nalang ako naghintay. But Vitamin D is good for the skin. Tumayo na lamang ako.
Natanaw ko ang kakaliko lamang na nagha-half jog habang may gym bag na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat at naka-earphones suot ang itim na hoodie.
Tahimik ko siyang pinanood. I couldn't even smile. Friendly ako sa lahat ng Delafuente pero pagdating sa kanya, kahit ngiti ata na pilit ay hindi ko maibibigay.
Hiro found my eyes, too. Nagpatuloy siya sa pagj-jog hanggang makadaan siya sa aking gilid at lumagpas lamang nang walang sinasabi. I even smelled his familiar perfume for awhile.
Well we're not close. Mas magtataka ako kung bigla bigla niya akong papansinin. Feeling close siya sa akin pag ganoon.
Hindi ko na tiningnan ang kanyang likod at nilingon sa kabila kung paparating na ba ang kotse nila Irah. Noong hindi ko matanaw ay dinukot ko ang cellphone.
Ako:
Bagal mo Irah. Nangangalay na ako kakatayo :(
Ilang sandali lang ay natanaw ko ang kanilang kotse at natanggap din ang kanyang text.
Irah:
Umupo ka pala?
Kinagat kagat ko ang pang-ibabang labi at hinawakan ang aking gym bag habang tinitingnan ang kotse na dahan dahan nang bumabagal sa aking harapan.

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...