43rd Ruled

42.2K 1.4K 613
                                    

Ruled

Hottest

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo agad at ganadong nag-ayos. Nangalkal ako ng maisusuot. I sighed when I couldn't find a single white dress for myself. Lahat ng puti kong damit, naroon sa kabilang bahay ko sa Crocodile Park.

Pero mag-iitim naman 'yon si Hiro. Pagkababa ko sa hagdan, nanibago ako sa sofa na walang laman. Nariyan siya lagi. Naghihintay. Baka nasa kotse na sila ni Mommy?

Humalik ako kay Lolo at Lola para magpaalam. Dumeritso sa garahe at nakikitang binubuksan na ng katulong ang malaking gate. Lumapit ako sa kotse. Binuksan iyon ng tauhan na naghihintay sa labas.

Sumulyap ako sa driver's seat nang makitang... hindi si Hiro ang naroon. Tumitig ako ng ilang sigundo at kunot-noong hinila papasok ang aking sarili.

"Where's Hiro?" I asked my mother.

"Nagbigay ng bagong driver ang Dad mo. Hiro's probably..." nagkibit si Mommy habang abala sa kanyang bag.

Umuwi na sa Manila? Lumunok ako lalo na't iyon ang sinabi ko sa kanya sa huli naming pag-uusap. Na umuwi na siya sa Maynila dahil naroon ang buhay niya.

Kaso sabi niya, narito ang buhay niya! Ano 'yon? Naalala niyang naroon talaga ang buhay niya at wala rito? Nahimasmasan kagabi sa kalasingan at napauwi nang wala sa oras?

O baka... may sinabi si Lolo at Daddy sa kanya! Baka tinaboy na nila? Pinagbantaan?

Hindi ba dapat matuwa ako? Kaso hindi! Naiinis ako. Sinungaling 'yon! Sabi ko na nga ba... mawawala rin siya. Sabi ko na talaga.

Dismayado ako at parang kinukurot ang puso ko. Anong ginawa ni Daddy at Lolo?! O baka... ako rin ang may kasalanan lalo na't halos hindi ko siya pinapansin talaga sa mga nagdaang araw. Iniiwasan. Pinagsabihan ko pang umuwi na siya.

At naniwala naman siya! Pag sinabi kong tumalon siya sa bangin para sa akin tatalon ba siya?! Ang uto-uto niya kung gagawin niya iyon!

Hindi ko na nasaulo ang pag-uusap namin ng therapist ko. Pagkauwi, deritso na lamang ako sa kuwarto at nagmukmok.

Hindi ako sanay sa driver. Hindi ko gusto na siya ang naroon. Maaga kong itinulog ang lahat lahat.

Gusto ko sanang komprontahin si Lolo at Daddy sa sobrang frustration ko kaso para saan? Eh kasalanan ko rin naman hindi ba? Ako nga ang may gusto na wala siya rito. Kaya bakit... bakit isisisi ko sa iba?

Hindi ko ulit siya nakita sa sumunod pa na araw. May nagdoorbell. Kuryoso akong bumaba at naunang sumilip nang makita ang pagpasok ng gym trainer ko.

Bumuntonghininga ako.

Binuhos ko ang buong araw sa pagpapawis kahit hindi matanggal tanggal sa aking isip ang huling sinabi ni Hiro. It lingered in my mind.

Sinusulit? Gusto niyang sulitin? What for? Kung masasaktan siya sa dulo, bakit siya magpapatuloy? Ayoko sa ganoon. Ayoko iyong ilalagay ako sa sitwasyong masasaktan ako. Ayokong umaasa ako. Kaya siguro noon, gusto ko laging malinaw. Kung walang mapapala ay hihinto agad ako.

I never liked those relationship where you only give. Dapat give and take. Ngunit si Hiro, handang ibuhos ang lahat kahit walang makuhang kapalit. Kahit puro lamang sakit ang maisusukli.

What kind of love is that? Unconditional? He's hurting himself. My old self would mock him probably.

Ngunit hindi na rin ako ang babaeng iyon. I learned too. Kaya hindi ko magawang itulak tulak siya ng lubusan. Hindi ko magawang saktan siya para lang tumigil na. Iniiwasan ko ngunit mahirap. Dahil para sa akin, gusto ko rin iyon ng palihim. Gusto ko ring nandiyan siya.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon