29th Ruled

37.6K 1.4K 2K
                                    

Ruled

Sorry

Kapwa mainit ang ulo namin sa isa't isa ni Hiro sa taong iyon. Madalas nang magbangayan, madalas nang magtalo, madalas na ring nag-aaway.

But this time, our fights were very different. Hindi na maliliit na bagay. Hindi na tungkol sa mga gulong napapasukan ko.

O siguro nga, may napapasukan akong gulo kaya heto na naman siya, nakikialam at parang superhero na akala mo gustong isalba ang bida sa kasamaan. But no. He's being a villain! A daredevil who's willing to ruin the world just to protect the girl who doesn't even like him.

Wala naman akong napapansin. Pero sa tuwing nagkikita kami ni Ken, madalas niyang bukambibig iyong pustahan na hindi ko alam kung paano talaga patitigilin.

"Ang tigas noong babae. Hindi ko ma set-up sa date. Panay pagtataray. Parang mangangalmot pag nilapitan ko," halakhak niya habang papauwi na kami.

"Eh kung... itigil mo nalang kaya? Ang pangit din kasi Ken. Nananahimik 'yung babae tapos magugulo siya."

"Oh she's safe. Trust me. Gusto ko lang turuan ng leksyon si Hiro lalo na't nagmamagaling."

"It's not worth it, Ken..." sabi ko habang dinadala ang tingin sa labas ng bintana.

"Hindi eh. Mayabang talaga. Nanghahamon. Akala niya siguro aatras ako," he said.

Boys and their ego. Alam na alam talaga ni Hiro paano itulak ang isang tao sa sariling bangin. Kahit medyo halatang delikado, dahil nahahamon kay Hiro, handang tumalon mapatunayan lamang na mali si Hiro.

That smartass villain...

"Baka ma-inlove ka talaga diyan ha..." I whispered.

"You're so worried. Hindi ko 'yon tipo. Come on... Don't be jealous, hmm?"

I sighed and nodded. Paano nga naman ako magseselos eh kailanman, hindi ko ito nakitang lumandi ng harap harapan sa ibang babae. But everyone knows he's a playboy. Kahit ako, alam ko rin.

"Kung sakali mang... let's say... you fall inlove with her... uhm... tell it to me—"

"You're funny, Franca. Hindi 'yan mangyayari. Trust me..." he smirked.

Ngumuso ako. Fine. I nodded.

Oo na. Ako na ang maamo pagdating sa kanya. Ako na ang natutunaw. Ako na ang sunud-sunuran. Kung sinabi niyang hindi, edi hindi.

At bakit niya naman ako gagaguhin 'di ba?

"Ano pa bang... uh... pustahan niyo ni Hiro?" tanong ko.

"Hmm. Wala naman. 'Yun lang. Why? Are you bothered?"

"Tumutulong ba siya sa pang-seset up mo ng date doon sa babae?"

Iritang umiling si Ken.

"I don't need his fucking help. He's trying to bruise my ego. Kaya 'yan nakikipagpustahan para magyabang sa akin. I'll bruise his ego this time."

Boys.

Talagang mababaw ang tingin ni Ken. At si Hiro na wais, pinalabas na mababaw lamang ang lahat kahit sobrang lalim at nakakalunod na ang larong inilatag.

Hindi ko mapagsabihan si Ken. Mahirap ding pangunahan ang kanyang desisyon. Hiro made a deep cut to his ego that's why he's triggered. At pag ang lalake nayabangan, gagawa at gagawa ng paraan para lamang lumaban.

I am not friends with Naia so it's hard to ask some informations, too. At ang isang 'yon, kakaiba na talaga makatingin sa akin. Komportable rin naman akong asarin siya.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon