15th Ruled

36.4K 1.4K 1.1K
                                    

Ruled

Kiss

Natanga pa ako ng ilang sigundo. Nakatunganga ako halos habang nakaawang ang labi at hinahabol pa ang aking hininga.

Kumurap ako habang nag-iisip pa. Huminto na siyang muli sa aking harapan kaya wala sa sarili akong tumayo ng tuwid at tumango.

Hindi naman sukdulan ang galit ko kay Hiro. Besides he's saving my ass when he knows I'll be in trouble once he speaks.

Kaso ang turingan namin ay hindi talaga ganoon ka ganda. We can't label it as friends. Our highschool days were full of curiousity and hatred for each other. Nadagdagan pa ang nangyari sa birthday ko.

Pero oo nga naman... inapakan ko siya. Eh irita ako sa araw na 'yon. Latch didn't show-up. Siya pa ang kasayaw ko. I'm pissed. Siya ang napagbuntunan ko ng galit lalo na't nakakairita rin siya.

Thinking about it thoroughly, wala naman talaga siyang malaking kasalanan sa akin. I just don't like him but I don't hate him so much, too.

Sumang-ayon ako sa kanyang planong mag jog. Tumayo ako at muling nagpatuloy sa jogging. Sumabay siyang muli sa akin. Bumundol ulit sa aking isip ang rason ng kanyang nakakapangdudang kinikilos.

Baka naman may iba pang rason? Maghahanap ako ng ibang rason dahil baka pinapaikot na pala ako nito sa ibang bagay. Right. He's probably manipulating me? Baka gusto niyang maramdaman ko ang ganito para malito ako at masilaw sa tunay niya talagang pakay.

Think about it, Franca. Ang bilis bilis. And he's very obvious! Imposibleng hindi niya alam na hindi ko napapansin. At paanong hindi ko malalaman lalo na't ilang taon kong nakikita ang palihim niyang atraksyon kay Naia.

Natanaw namin ang gate ng subdivision.

"Magg-gym ka?" I asked.

"Yes," he answered calmly.

Tumango ako at nagkasundo na kaming magjogging palabas sa gate. Pag-aaralan ko nalang siguro siya ng malapitan. Maybe mahuhulaan ko rin base sa magiging actions niya. I'm good at it.

Nagjog kami patungo sa malapit na gym. Nakaya niya namang magjogging lang papunta sa kung saan kami madalas maggym kaso narealize ko malayo layo rin pala.

Nadaanan namin ang simbahan. Deritso kami patungong EDSA. May pathway naman sa gilid kaya hindi nakakatakot magjogging sa kalsada. Koanti pa ang mga kotse at presko pa rin ang hangin.

"I don't have my wallet," sabi ko nang tumigil at hinihingal na itinukod ang mga kamay sa hita.

"Ano na namang bibilhin mo?" tanong ni Hiro nang tumigil din at hinihingal ng kaonti.

"I'm thirsty. Just drinks," giit ko habang tinitingala siya.

"That's what you said, too..."

Tumayo ulit ako ng tuwid at nag-inat. Natatanaw ko na ang gym.

"Hindi na ako magjojogging pauwi. Magpapasundo na ako," I complained while we're starting to jog again.

"Taxi..." Hiro suggested.

Kaming dalawa? Sa loob ng taxi? Kung may galit ka sa isang tao at irita ipagtataxi mo ba? S'yempre hindi. Baka paglakarin ko pa o ako nalang ang maglakad kaysa makasama siya.

Dahan dahan ko siyang nilingon. Hindi niya ako tiningnan at nanatili ang tingin sa harapan. May liwanag na tumagos sa lilim ng mga punong nagkalat sa gilid at dumaplis saglit sa mukha ni Hiro.

Ngayon ko lang napansin na sobrang tangos pala ng kanyang ilong lalo na't naka side view siya. It looked so pointy. Nipis ang kanyang pulang labi. And what the hell? Sobrang itim ng kanyang buhok ganoon din ang makapal na kilay na bumagay sa kanya. Namangha pa ako lalo na't mahahaba rin ang kanyang pilikmata.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon