5th Ruled

39.1K 1.5K 863
                                    

Ruled

Smartass

Sumilip ako sa pasilyo sa umagang iyon ng Lunes. I am trying to look for Hiro so I can pay. Wala akong alam talaga kung saan saan siya pumupunta lalo na't unang una- hindi ako kailanman naging interesado sa lalakeng iyon.

Mas madaling hanapin si Ken lalo na't kahit saang sulok ata ay matatagpuan mo agad siya. At kung nasa'n si Ken, nandoon din si Blue. Kung si Wayt naman ang hahanapin, si Nana lamang ang kailangan mong hanapin lalo na't dikit naman sila laging dalawa. Minsan nga nandoon din si Ken.

Ngunit si Hiro? I don't know where. Para siyang si Shanaia na suntok sa buwan mo atang makikita sa buong school.

Speaking of that girl, if my hunch is right that he likes her... Hiro is obviously outside her classroom. He's unpredictable so I'm not sure what he's doing but he's obviously there?

O huwag nalang kaya bayaran si Hiro? Kaso magkakautang na loob ako sa kanya. I don't like it.

Sinunod ko ang gut feels ko. Binaybay ko ang hallway sa ibabang floor. Sarado ang mga pinto ngunit makikita sa bintana ang loob kung saan naglelecture pa ang iilang teacher.

"Hala si Franca, crush mo," rinig kong sabi ng kung sino nang lumagpas ako sa isa pang classroom.

Pagliko, nakita ko agad si Hiro sa classroom na tinutukoy ko sa labas. Nakasandal ito sa pader habang nakabulsa ang isang kamay, ang isa ay may hawak na coke in a can at nakikipag-usap kay Philip.

Ibibigay ko na ang five hundred sa araw na 'to.

Naglakad ako patungo sa kanila. Kita ko kung paano dahan dahang lumingon ang ulo ni Hiro habang nagsasalita pa rin at tiningnan ako saglit ngunit binawi rin at ibinalik kay Philip habang nagpapatuloy sa sinasabi.

Noong makalapit lalo saka ako napansin ni Philip. His eyes widened and he smiled.

"Franca!" ang nakahalukipkip niyang mga kamay ay napaghiwalay niya.

Hiro sipped on his coke while looking at me curiously.

I smiled at Philip.

"Ayos kana? Balita ko sobrang lungkot mo raw at apektado ka sa dalawa. Ramdam ko rin lalo na't hindi ka nagrereply. Hindi mo rin daw nirereply-an sila Edward."

"I don't want to take sides kaya nakakalungkot. Hindi ko sila kayang pansinin dalawa dahil nasasaktan ako," marahan kong sabi sa namumungay na mga mata.

Philip's eyes softened. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pag-angat ng kilay ni Hiro.

Inabot ni Philip ang aking braso at hinaplos.

"You'll be fine, hmm? You have us," ani Philip habang hinahaplos ang aking braso.

Ngumiti ako at tumango.

"Thanks Philip," saka ako tumingkad ng kaonti para mayakap siya. Yumuko rin si Philip at hinaplos haplos ang aking likod.

I glance at Hiro. Binasa niya ang labi pagkatapos sumimsim sa inumin. His expression didn't change. Cold and snob. Makahulugan ko siyang tiningnan, na sana ay magets niya ang gusto ko.

Noong humiwalay kay Philip ay ngumiti rin naman ako saka nagpaalam sa kanila. Hindi pa nakakalayo ay rinig ko na agad ang tinig ni Philip.

"Mala anghel talaga si Franca. Napaka bait na nga, napaka ganda pa..."

"Some angels are deceiving..." si Hiro na hindi naman importante pero nagbibigay ng opinyon.

Sumeryoso lamang ang aking mukha at hinaplos ang buhok paatras. So what, villain?

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon