35th Ruled

39K 1.3K 1.3K
                                    

Ruled

Persistent

"O siya... magwawalis na ako hija. Babalik din 'yon," si Manang Esing na mukhang aalis na.

Kinabahan ako at mabilis na hinawakan ang kanyang braso. Medyo nagulat ang matanda, hindi inaasahan ang aking ginawa.

I slowly pulled my hand away from her. Nag-iwas ako ng tingin. The old lady smiled.

"Naalala ko sa'yo ang anak ko. Ganito rin 'yon noong may nanliligaw sa kanya. Nahihiya," tawa niya at tumigil sa ambang pag-alis.

Hindi ako makapagsalita lalo na't hindi ko intensyong ganoon ang maisip niya.

"O sige... maghihintay tayong dalawa. Kaya naman pala mahiyain din ang anak mo! May pinagmanahan," tawa niya at nangingiting tumingin sa dulo kung saan naglalakad si Hiro, malalaki ang hakbang.

Nagkwentuhan kami ni Manang Esing habang naghihintay. Nakikinig lang din ako sa kanya lalo na't madaldal si Manang. Noong matanaw si Hiro na may dalang isang tray ng itlog ay natawa si Manang Esing.

"Pinakyaw pa ata ang itlog sa tindahan!" aniya.

I couldn't smile. Hindi ako makabigay ng reaksyon at hindi rin matingnan si Hiro.

Paglapit niya, inilahad niya agad sa akin iyon.

"Tell me if you need something. I'll buy it for you," aniya.

Ngumiti si Manang Esing sa aming dalawa. Binuksan ko ang aking pitaka para maghanap ng bayad.

"Keep it," si Hiro ngunit hindi ko pinakinggan at inilahad ang isang daan.

"Hindi ko 'yan tatanggapin kung hindi mo 'to tatanggapin," sabi ko nang hindi ito tinitingnan.

Hiro looked at the money for a moment. Noong makumbinsing seryoso ako roon ay tinanggap din. Kinuha ko ang isang tray saka ko tiningnan si Manang Esing.

"Aalis na po ako..." at isang daplis na tingin kay Hiro. "Salamat."

Hiro nodded. Namulsa siya. Hindi ko na agad tiningnan at tumalikod na.

I don't know what to feel. Natatakot ako. Huwag na sana siyang makialam. Kung madadamay rito si Illisha ay hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng paraan mapigilan lamang siya.

And I hope he remained ignorant from those things. I hope he's not aware. Ngunit napapaisip ako. Paano kung alam niyang may anak ako kaya sumunod dito at gustong ihiganti ang nangyari noon?

Pumikit ako nang unti-unti na namang sumasakit ang aking ulo sa tuwing maiisip ang bagay na iyon. I shouldn't think about it!

"What's Daddy's hobby?" biglang tanong ni Illisha habang nakahiga kami sa kama.

Yakap yakap ko siya at pinapatulog. Namumungay na ang mga mata ngunit tiningnan ako para itanong ang bagay na 'yon.

"Hmm..." nag-isip isip ako ngunit walang ibang maisip at ang tanging tumatatak ay ang anggulo niya na nakikita ko.

"Is he snob?"

Umiling agad ako. He's not snob. But... that's not even Illisha's real father. Ewan ko ba kung bakit siya ang naiisip ko.

"He's friendly," I said as a guide to give her some infos.

Lumiwanag ang kanyang mukha, kumikislap din ang mga mata.

"Very friendly," I smiled and pinched her cheek.

Ngumiti siya at natuwa. Nahawa agad ako. Oh I'd do everything just to see her smile all day!

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon