45th Ruled

80.8K 1.9K 725
                                        

Ruled

Always

Nanatili siyang nakaupo ng matagal sa sofa. Naroon lamang si Hiro, tahimik at mukhang abala sa kanyang iniisip. Kung hindi siguro inimbita ng dinner, uumagahin siya roon kakaupo.

I acted like it's nothing. Si Hiro naman, mas maamo at kalmado. Hindi nga lang ako makatingin sa kanyang mga mata dahil baka magngitian kaming dalawa sa harapan ng aking Lolo at Lola ganoon na rin kay Daddy at Mommy.

Natuloy ang jogging namin kinabukasan at sa mga sumunod pa na araw. Bond namin iyon simula pa noon.

Ganoon kami lagi tuwing umaga. Kasama namin iyong aso niyang si Franky. Weird nga ng pangalan ngunit suot niya ang isa sa pendant noong cute keychain na ibibigay ko dapat noon kay Ken.

It's nostalgic but it didn't mean anything to me anymore. Ken belongs to my past. Hindi ko gustong ikumpara ang nararamdaman ko sa kanya at kay Hiro ngunit alam ko, mas malalim ito ngayon.

Siguro kung nauna akong nahulog kay Hiro, kung hindi tumakip ang una kong impresyon sa kanya bilang villain at masungit, hindi ako madadala noon kay Ken. Baka sinagot ko si Hiro?

Ngunit wala akong masisisi sa mga nangyari. I'm done blaming myself for the past years. Bugbog sarado na ang katawan at utak ko sa mga panghuhusga ko sa aking sarili, sa kumpyansang ipinagkait at kasiyahang pinagdadamot ko.

I learned how to appreciate the things around me. Gusto kong hayaan ang aking sarili na maging masaya imbes ikulong sa kalungkutan.

Ito ang itinuro ng nararamdaman ni Hiro sa akin. His love will always be a sweet reminder that someone is capable of loving me even when I'm a mess. Someone will accept me even at my worst. Someone will appreciate all of me during my darkest times. Someone will choose me first before anyone else. And that someone is him.

Nasasanay ako na lagi siyang nariyan. Lagi kong nilalagyan ng espasyo para sa aking sarili dahil ayokong naka depende ng buo rin sa kanya. Ayokong mangulila ulit pag wala siya. Ayokong ganoon lagi ang mararamdaman niya.

Kasi paano kung dumating ang araw na wala na ang nararamdaman niya sa akin? At nakita niyang dumedepende na ako sa kanya? Idagdag pa ang therapy ko araw-araw, baka maisip niyang nakakaawa ako kung iiwan niya?

I don't like it. Ayokong naroon siya sa tabi ko dahil naaawa siya sa kalagayan ko. At ayoko ring nasa tabi niya ako dahil nasasanay lang ako na lagi siyang nandiyan.

Iyon din siguro ang rason kaya maingat ako lagi. Hindi nagpapadalos dalos at hinahayaan ang panahon na humatol sa aming dalawa. Hindi rin iyon ang priority ko sa ngayon. I am trying to build myself again. My confidence, my trust, myself... I am trying to make myself whole again.

Hiro's always there to support me. Nandiyan din ang pamilya ko para suportahan ako. At alam ko, si Illisha, isa rin iyon sa suportado ako.

"Your nails..." biglang puna ulit ni Hiro sa araw na iyon.

Kami nalang minsan dalawa ang pumupunta sa appointments ko. My father is okay with it, too. Lahat sila ay magaan ang loob kay Hiro na handa ata akong hayaang pumunta kahit saan kahit siya lang ang kasama ko.

I looked at my nails curiously. Wala iyong kulay at medyo mahaba na ang aking kuko.

"Do you want to polish it? Pwede tayong dumaan sa SM Lanang."

Dalawang kamay ko na ang tiningnan ko at iniisip kung aling kulay ang maganda roon.

"Sige..." sang-ayon ko saka niya hinila ang gear at deritso na ang pagmamaneho.

Huling beses kong pumasok sa Mall one month ago, noong nagpagupit ako. Ngayon lang ulit ngayong nakukuryoso ako sa aking kuko dahil pinuna na naman ni Hiro.

R U L E D (NGS #10)Where stories live. Discover now