47th Ruled

51.9K 1.8K 1.4K
                                    

Ruled

Scam

Hindi ko na mabitiwan ang kamay ni Hiro at ramdam ko kung paano niya rin iyon hinawakan, na kahit bitiwan ko ata siya ngayon ay mananatili niya iyong hawak.

Panay ang kanyang tingin sa kamay naming magkahawak. Bawat sigundo ay titingnan niya, wala namang sasabihin ngunit talagang laging mahuhulog ang mga mata niya roon.

Doon lamang malilihis ang kanyang tingin kung hihinto kami sa isang table.

Sunod naming pinuntahan ay ang table ng mga Chen. Ang aking mga Tita at Tito ay nangingilatis ang singkit na mga mata habang ang aking mga pinsan na babae ay ngiting ngiti.

"This is Hiro Delafuente Tita, Tito..." pakilala ko.

Hiro bowed down his head a bit. Everyone on the table looked at him curiously. Ang aking Tito ay tumatayo at nakikipagkamay para magpakilala rin.

"You're Toshi's cousin? Irah's husband?" si Tito Ellios.

"Yes Sir."

"Isa sa mga apo ni Rico at Dwight pala. Those two are very powerful," isa sa kakilala namin ang nagsabi.

Some of their eyes lingered on him like he's an art in a museum who strikes a dark and menacing aura. The mystery he's wearing as a crown will always be an evident that he's deep and dangerous.

Hindi kami nagtagal ni Hiro roon at muli ko siyang hinila sa kabilang table, sa mga Chua. They're a bit friendly. Ngiting ngiti si Auntie French at si Uncle Brennan naman ay tinapik pa ang balikat ni Hiro nang tumayo siya para makipagkamay.

"Humabol kayong dalawa," makahulugang sabi ni Auntie French sabay ngisi.

Hindi ko iyon sinagot ngunit kita ko ang pagnguso ni Hiro at parang may ibang naiisip. Nagtagal pa kami saglit sa table lalo na't nawiwili si Uncle Brennan at topic pa nila ay business.

Sa katabing table ay ang mga Buenaventura. Kita ko ang paninitig ni Daddy sa kamay ko kay Hiro ngunit walang sinasabi at tahimik na sumisimsim sa inumin.

Kaya noong matapos at napadaan kami ay pinagbabati nalang sila ni Hiro. Tito Tres and Tito Uno nodded.

"Pupunta kayong Cebu pagkatapos nito?" Tito Uno asked.

Hiro nodded. Alam kong nakapagpaalam na ako noong nakaraang mga araw ngunit hindi ko alam na sinabi rin pala iyon ng aking parents sa kanila.

"Yes Sir," si Hiro.

"Mag-ingat kayo," si Tito Tres sa kalmadong tinig.

Tumango kami ni Hiro. My father didn't talk. Panay lang simsim sa inumin at sulyap sa kamay kong nakahawak kay Hiro.

"Dad," tawag ko at itinuro ang kabilang tables.

He nodded and looked at Hiro. "Did you drink?"

Umiling si Hiro. "No, Sir."

Tumango si Daddy at kumalma ang ekspresyon. Humagikhik si Mommy kakatingin sa aming mga kamay.

"They're holding hands, Dos. Bagay sila," my mother teased.

My father just arched his brow and sipped on his drink again. Si Daddy naman parang hindi malandi noong kabataan niya? Holding hands na nga lang itong akin...

Nagpaalam ako sa kanila at hinila na siya paalis doon para ipakilala pa si Hiro sa iba pa. I saw how Nana giggled when she saw our intertwined fingers. Napadaan din kami sa kanilang table kaya kahit si Irah na kasama nila roon, titig na titig.

"I didn't know you two are dating," si Irah na seryoso ang tinig at halos nagtatampo.

I chuckled.

"Ngayon kayo agad pupunta sa Cebu, Hiro? O bukas?" tanong ni Toshi.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon