1st Ruled

75.3K 1.6K 740
                                    

Ruled

Mysterious

Humihikab si Irah habang tamad naming hinihintay ang flight sa umagang iyon sa airport. Nakaupo kaming magpipinsan sa first row. Si South ay nakasandal sa upuan at tulala sa kawalan suot ang earphone habang si North ay nakapangalumbaba at nakatukod ang siko sa bawat hita habang abala sa kanyang cellphone.

Our parents were busy talking in their small voices, like they're trying to minimize it while they're at our back so we can't hear it.

Hindi naman bago sa akin ang ganitong eksena. May mga pag-uusap sila na hindi kami kasali. Hindi naman sa gusto naming makiusyoso pero madalas din naman kaming walang pakialam at may sariling mundo.

"Papa said the business in Davao is doing fine. The company can fund another project..." I heard my father's low baritone voice.

Ngunit kahit anong iwas minsan na hindi makinig, nakakaabot talaga sa aking tainga lalo na't masyado rin akong tutok sa aking paligid.

"Pumuporma ba si Latch?" biglang tanong ni North kaya natauhan ako.

Nilingon ko ito. Nasa akin na ang kanyang mga mata habang nakapangalumbaba pa rin. Medyo magulo ang kanyang buhok at nakasuot ito ng itim na hoodie jacket.

"Hindi naman. Bakit?" marahan kong sabi.

"Sabihin mo sa'kin kung pumuporma."

I smiled and nodded. Bumaba ang kanyang tingin sa aking suot. Umahon siya sa pagkakayuko at hinila sa likuran ang hoodie jacket para hubarin iyon. Naiwan ang puting tshirt na medyo nagusot saka niya inilahad sa akin.

"Wear it. It's cold. Ang nipis ng suot mo."

Ngumuso ako at tinanggap. Isinuot ko iyon at napansin ang tamad na paglingon ni South na nasa tabi lamang ni North. He watched me coldly.

"Let's go kids," ani Tito Uno habang nauunang maglakad at ang braso ay nakalingkis sa kanyang asawa.

Nagsitayuan din naman kami. Humikab pang muli si Irah at tamad na naglakad. Tinabihan siya ni South at inakbayan habang si North naman ang nakapamulsang tumabi sa akin.

Tahimik kami buong byahe. Natutulog si South at Irah sa likuran na magkatabi, ako naman ang nasa bintana lang at tingin. Si North na nakasandal sa aking balikat at abala na naman sa kanyang cellphone.

Napadungaw ako sa screen. Nahagip ng aking tingin ang kanyang text na walang reply. Umangat ang aking kilay at palihim na napangiti. She doesn't like him...

"She's not replying," puna ko kaya tamad na umahon ang ulo ni North para matingnan ako.

"Nosy," he smirked and put his head back on my shoulder.

"I accidentally saw it."

Pinatay niya ang screen ng cellphone at isiniksik sa bulsa ng kanyang pants.

"Mukhang sa Manila kami magkokolehiyo," aniya.

Oh... So the twins will be with us for the rest of the school year, huh?

Tito Uno and Tito Aly love the province so much. Sila ang naghahandle sa lupain lalo na't may malaking farm doon. Ang kompanyang naitayo sa Manila ay si Dad ang naghahandle. Tito Tres is busy with his own firm since he's a lawyer while my grandparents were in Davao for our real estates there.

My great grandfather, Facundo, is the most richest Buenaventura in the province on his times. Siya lamang ang nag-iisang tagapagmana kaya noong magkaroon ng anak ay sobrang laki rin ang naiwang pamana kay Lolo Israel, ang tanging nabubuhay niyang anak, na pinalago niyang lalo at ipinamana rin ang iilan sa kanyang mga anak.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon