10th Ruled

37.7K 1.4K 813
                                    

Ruled

Last Dance

Sa Manila nagcelebrate ng pasko ang mga Chen at Chua na pinsan ko para makadalo sa aking birthday at maka practice din ang mga boys sa aking eighteen roses.

December twenty-eight. Iyon ang araw na kompleto ang lahat mabilan kay Latch lalo na't bukas pa ang dating. Hindi naman mahirap ang steps total last dance din naman siya. He can learn it eventually.

"Friends?" angat ng kilay ni Rehan nang pasadahan ng tingin ang mga boys.

"Yes. 'Yung iba family friend," ngiti ko sa nakapamulsang pinsan at sobrang suplado dahil sa singkit na mga mata.

"Sa Debut ni Irah hindi siya mahihirapan sa eighteen roses pero sa eighteen candles..."

Tumawa ako lalo na't alam kong mahirap nga iyon at baka hindi umabot dahil pili at bilang lamang ang kaibigang babae. Baka mag-imbita lang siya ng kahit sino.

Sumenyas ang dance instructor na magsisimula na. Nasa gitna ako habang bumubuo sila ng bilog. Kita ko ang nakapamulsang si Hiro, nasa sapatos ang tingin habang walang ganang naglalakad.

Napipilitan siyang sumali lalo na't alam niyang kami lang naman ang nakakaalam ng mga palihim naming mga away. Iyon din ang huli naming pag-uusap noong Enero. Ngayon Desyembre na.

Wala na kaming interactions simula noon lalo na't kapwa kami mailap sa isa't isa. He doesn't like me. I don't like him, too. Mutual kami sa ganoong nararamdaman.

Kaya noong siya na ang tumapat sa akin bilang pinaka panghuli, bago ang last dance, kapwa lang namin sinunod ang step at tahimik na sumayaw, ni hindi pa magkahawak.

"Hijo, ganyan ka ba bukas?" concerned na tanong ng dance instructor.

"Pasensya na po. Ganyan talaga siya," si Red ang humingi ng paumanhin.

"Gago talaga 'to si Hiro," rinig kong bulong ni Ken habang nakapamaywang sa gilid at nanonood.

Bumubuo pa rin ng bilog ang mga lalake at kami ang nasa gitna. Aalis lamang silang lahat kung last dance na.

"Ang lala ng pagiging snob sa babae. Nakakabastos," si Blue na seryoso na rin at nakapamulsa sa kinatatayuan.

"Ayusin mo bukas, Hiro," ang mala awtoridad na tinig ni Grey na irita rin.

I tried to smile para makitang iba ang ekspresyon ko sa seryosong ekspresyon ni Hiro.

"Wala na bang iba? Parang pinilit lang 'yan, ah?" si Raffiel na madilim ang ekspresyon.

"Heard Tito Dos approved all the boys on the list," si Rehan.

Nakayuko lang ako lagi para tustahin lalo si Hiro ng lahat. Kahit ata bukas sa mismong debut ko hindi ko siya kayang hawakan.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos din ang practice. Umuwi rin naman ako kasama ang aking mga pinsan pabalik sa mansyon pagkatapos magpasalamat sa lahat.

"Hindi ko gusto 'yung panghuli. Nasaan ba ang last dance mo?" tanong ni Raffiel habang nakahalukipkip.

"Nasa province pa, Raf. Bukas ata ang dating?" sabi ko.

"Asshole. I don't like that snob. Stay away from him," ani Rehan.

Napapagitnaan ako ng dalawa. Kapwa madilim ang kanilang ekspresyon pagkatapos ng nangyari. Hindi naman kasi alam ng lahat na ayaw naming hawakan ang isa't isa. At hindi alam ng lahat na kahit ako ay ayaw ko sa kanya.

"Parang tanga. Kung hindi lang marami ang bilang ng pinsan niya hinila ko na ang braso noon at kinaladkad paalis sa harap mo," si Raf na hindi na ata huhupa ang iritasyon.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon