Ruled
Hoodie
S'yempre sino bang idi-date nito? Si Naia na binasted siya? Ako na hindi siya tipo?
"Bakit ka nandito?" ulit ko sa tanong kanina na hindi niya sinagot. "Do you need anything?"
"Crowded sa labas," rason niya na ikinaangat ng aking kilay.
"Maraming ibang classroom na walang laman ngayong oras na 'to," sabi ko habang napapatitig na lamang sa screen ng aking cellphone.
"Dito ako unang nakapasok. You know, accident happens. Hindi lang sa facebook," makahulugan niyang sabi na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.
He's using his reverse card very well. Kung sa laro ito, kahit gaano pa kagaling ng kanyang kalaban ay maitataob niya pa rin siguro.
Grey is smart academically but Hiro is smart when it comes to tactics. He's like a game master. Hindi mo mamamalayang kasali kana pala sa larong ginawa niya. You're unconsciously trapped and you have no choice but to play until you beat him.
Doon ka lang makakatas kung naisahan mo siya. Kung natalo mo siya sa mismong larong inihanda niya.
But the biggest problem here, you can't beat him so easily.
Isinilid ko sa bag ang cellphone at gusto ng lumabas. I should go home! Pag mananatili pa ako rito at si Hiro pa ang kasama ay baka mauwi na naman sa pag-aaway ang usapang ito.
Kaso para namang sobrang obvious na umiiwas ako, 'di ba? What for? Ano bang kailangan kong ikahiya kay Hiro? Wala naman akong tinatago rito. Baka siya meron.
Kinuha ko ang aking iPad at iyon ang pinakialaman. Noong nag-ambang magtipa ng password ay umahon muli ang aking tingin. Iniwas niya ang mga mata at tumingin sa may pinto. Huminga ako at mabilis na nagtipa ng password.
I scanned some of my downloaded apps so I can play some games. Kuryosong ibinalik ni Hiro ang tingin sa ginagawa ko. Wala ata siyang balak umalis. At hindi ako makakaalis kung hindi siya mauunang umalis.
He dragged the chair from the right side and put it beside me. Medyo natigilan ako ngunit nagpatuloy rin sa pagpipindot pindot.
Umupo si Hiro sa tabi at tahimik na inilabas ang cellphone sa varsity jacket na suot. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niyang hindi ko gustong langhapin kaso nakakaabot talaga sa aking ilong.
"You didn't confirm my friend request on facebook," aniya.
Ayaw daw sa away pero nagbubukas naman ng topic na pagmumulan ng bangayan namin.
I should use some of my cards, too.
"Diana's complaining. Hindi mo raw ina-accept ang friend request niya."
Kahit nasa screen lamang ng aking iPad ang tingin ay kitang kita ko siya sa gilid ng aking mga mata.
"I don't accept strangers," ang supladong si Hiro.
"I don't accept strangers, too," I said calmly.
Napalingon siya sa akin. Nanatili ang tingin ko sa nilalaro.
"Friends mo lahat ang mga pinsan ko," he pointed.
"Coz we're close, Hiro."
"And we're not?" ang kapal niya sa parteng ito.
Nilingon ko siya at nakipagtitigan.
"Bakit mo naman ako ia-add? You don't have other friends on facebook aside from your relatives and your cousins. Ano ako parte ng pamilya? Delafuente?"

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...