21st Ruled

37.6K 1.4K 939
                                    

Ruled

Fond

Hindi ba siya nagpaalam? And ilang taon na ba siya? She doesn't looked like a minor to me. Baka mas matanda pa pala ako sa kanya? May lahing Western din naman kasi kaya hindi ko alam kung sobrang bata pa ba eh ang mature tingnan.

Nanatili na lamang ako sa loob at gusto nalang maghintay hanggang may sumundo sa kanya. Baka may mangyari sa kanya pag umalis ako. At ako ang kasama niya kanina na nagsasaya. Hindi ko pa nabilang kung nakailang shot siya.

Pamilyar sa akin ang mga ganitong eksena. Naalala ko ang kuwento ni Mommy kaya mahigpit sila sa akin pagdating sa parties. Hindi talaga maiiwasan na may mangyaring hindi maganda lalo na kung sobrang lasing na at mag-isa pa. Suwerte nalang kung may mga taong ang intensyon ay tumulong.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto na ikinatigil ng aking pag-iisip. Nagulat ako at napalingon. Bumungad ang magkasalubong na kilay ni Hiro at ginala pa ang tingin sa loob. Nang makita niyang ako lang, si Keyla na nakahiga ay unti-unting kumalma ang kanyang ekspresyon.

Huminga siya at napayuko. Noong umahon ang ulo ay seryoso na ulit. Kapansin pansin ang basa niyang shirt, coz maybe he washed his stomach, at ang basa niya ring buhok na nakaatras.

"Are you okay? Nahihilo ka?" he asked calmly.

Kumurap ako at itinuro ang knock-out na si Keyla. Natapon 'yung inumin ko kanina habang sumasayaw kami at mukhang noong naipakilala ako sa kanya ay nakailang shot na siya kaya mabilis na nalasing.

Humalukipkip si Hiro sa may pinto at tamad na isinandal ang ulo sa gilid.

"Your friend passed out," aniya.

Pumasok ang hangin dahil sa bukas na pinto. Keyla purred like a kitten.

"Close the door, Hiro," utos ko nang irita siyang tingnan.

Ibinalik ko ang tingin kay Keyla. Hindi ito nagising ngunit iniba lamang ang posisyon. Nahulog pa ang unan na sinalo ko at muling ibinalik sa kanyang tabi.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mukhang lumabas din si Hiro.

"Where's your hair clip? Hinubad mo na naman?" nagulat ako sa tinig ni Hiro.

Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip pa rin sa gilid ng pintong nakasara. Magagalit na sana ako kung bakit pati siya ay nandito sa loob kaso nang maalala ang sinabi ay mabilis kong kinapa ang aking buhok.

Wala nga roon ang clip ko! Napatayo ako sa pagkagulat.

"Nasaan?!" I panicked. "I love that clip! It's elegant!"

His lips parted. He looked so stunned. Napatuwid siya ng tayo at parang handa nang solusyunan ang aking problema.

"You probably dropped it... Hahanapin ko," aniya at deritso nang binuksan ang pinto para lumabas, nagmamadali.

Halatang hindi marunong magkabit! Ang luwag siguro! Naglaho rin siya sa aking paningin. He even locked the door. Kaya noong bumalik ilang minuto at kumatok na ay tumayo pa ako para pagbuksan siya.

Inilahad niya iyon sa akin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at deritso ko nang isinilid sa suot na sling bag dahil baka mawala pa.

"You're not planning to wear it again?"

Umiling ako habang abala sa ginagawa.

"Mawala pa 'to ulit..." medyo simangot ko.

"I'm sorry. My fault. I don't know how to put it correctly..." may pag-iingat sa tinig niya.

"It's fine. Nahanap mo naman," wala sa sariling sabi ko.

Hiro chuckled and nodded with amusement.  "Kung nawala man, reregaluhan nalang kita ulit. Simple..."

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon