14th Ruled

37.4K 1.5K 924
                                    

Ruled

Jog

Hiro smiled. He also smirked. And he laughed. He also thanked me for the gift. He's calm.

He's calm! Oo at kalmado naman siya pero iyong walang pakialam hindi ganito na halos... parang...

Binalikan ko pa sa isip kung may pagkakataon bang nangyari iyon noon. Pinahiram niya ako ng pera? Is that counted? Hindi niya ako nilalaglag. Is that counted, too? Pero pinapagalitan niya ako ng palihim at doon nagiging malala ang aming pag-aaway.

Sa mga taong nagdaan ay ibang iba siya. He's not like this. I never had a nice memory with Hiro. Our last memory made me hate him so much. Iyon 'yung sa birthday ko.

Kaya paanong... hindi ko talaga masundan sa aking isip kung pagkatapos ba noon ay nagkaroon kami ng magandang alaala sa isa't isa para maging mabait siya bigla sa akin.

Or maybe he's tired with our multiple silent wars? He's nineteen. He's too old for these nonsense things. Baka parang away bata nalang sa kanya iyong mga nangyayari sa amin noon lalo na't kapwa na rin kami first year college?

Inisip kong maigi ang lahat lahat habang natutulala sa aking upuan. Namalayan ko nalang na nakasunod na pala ang tingin ko kay Hiro at nahuli pa ang aking mga mata.

He's talking to his cousins. At sa tuwing lilingon sa akin ay nakikita ko kung paano nagiging mabagal ang kanyang pagsasalita saka rin dahan dahang ibabalik ang atensyon sa kausap sa seryosong paraan.

I sighed and licked my lowerlip. Humilig ako sa mesa at gusto itong makitang nakikihalubilo sa ibang babae. Maybe he smiles too? Maybe he would chuckle when he's annoyed? Baka naman... hindi iyon ang unang beses?

Sa tinagal tagal ko rin naman kasing kilala si Hiro ay suntok sa buwan ang ganoong pagkakataon. He's always serious. He's unpredictable. He's mysterious. He rarely smiles. He rarely talks. Kaya nga obvious na obvious siyang may gusto kay Naia na napapansin ko dahil hindi lahat ng babae ay mapapansin niya sa ganoong paraan.

Right. Hindi siya kailanman pumorma sa babae at hindi rin kailanman nagkaroon ng girlfriend. Ayos pa nga ang kambal dahil mababait lahat sa babae at friendly. Si Toshi kahit masungit nagkakaroon naman ng girlfriend ganoon din si Wayt. Ano nalang kaya si Grey? Kahit maangas 'yon ay malambot siya kay Chey.

Si Hiro lamang ang walang niluluhuran o sinasambang babae. Ganoon siya ka misteryoso lalo na't ni isa ay walang may alam kung sino ang nagugustuhan niya hindi katulad sa mga pinsan niyang kakalat agad sa bawat lupalop ng school at tatawid pa sa ibang paaralan kung may pinopormahan ang mga ito at nagugustuhan.

He got no girl friends, too! Puro lalake ang circle of friends niya.

Kaya nga noong magaspang ang ugali niya sa akin ay hindi ako nagtaka lalo na't ganoon si Hiro. That's his nature. His own identity.

But this?! Nakakapangduda at nakakakilabot. For the first time in his life he thanked me. Sa ilang taon naming pinagpasa-pasahan ang condom ngayon pa siya nagka-interes na magpasalamat? For what?

What's the sudden change? May ideya ako kaso... posible ba 'yon? Hindi ko pa nga nakukumpirma parang gusto ko na agad tumakbo palayo sa kanya.

May kutob ako na baka ganoon kaso isinusuka agad ng aking isip ang ideyang iyon.

Hmm... what if he has a plan? Paano kung sa pagkakataong ito ay siya naman ang may pinaplano sa akin dahil nairita na sa mga gulong napasukan?

Muling sumulyap si Hiro at nahuli na naman akong nakatingin. Humugot ako ng hininga nang umangat pa ang kilay niya sa akin. Binawi ko ang tingin dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon