21

58 2 5
                                    

"Hi!" Napalingon ako agad nang may maramdam akong malambot na labi na dumampi sa pisngi ko habang may kinukuha ako sa locker.




Malapad ang ngiti sa'kin ni Jacob nang maharap ko na rin siya. "Bakit nandito ka? Tapos na training niyo?" Napatingin ako sa wall clock na nasa itaas lang ng mga locker namin.





"Water break lang. I sneak out the gym."





Napaawang ang labi ko nang malingon ko siya ulit. "Siraulo ka!" Hampas ko sa braso niya. "Bumalik ka ro'n!" Sinimulan ko siyang itulak nang maisara ko na rin ang locker ko. "Baka pagalitan ka ni Coach Cj!"






"Mitchie, relax." Natatawa pa siya habang binibigatan ang sarili para hindi ko matulak. "I was just kidding. Nagpaalam ako."





"Ano bang ginagawa mo rito?" Saka lang ako napatigil at napahalukipkip na lang nang isandal ko ang sarili ko sa pader.





"I just wanted to see you."





Napasapo na lang ako sa noo ko habang natatawa na rin. "Jacob, we're classmates. You can literally see me in front of you later."




"I know but I still wanted to see you. A hug will do before I go back. I only have three minutes here."





"Since when did you become clingy?" Napailing-iling na lang ako pero binigyan ko pa rin siya ng yakap. Humalik na rin siya sa pisngi ko bago tuluyang bumalik sa gym.




Nakita ko ring dumating na ang mga kaibigan ko at nagkanya-kanyang punta na sa mga classroom. Hindi na namin sila nahintay ni Solene kanina dahil mago-overtime sila. But gladly they arrived 10 minutes before the class starts.






Naisipan ko na ring pumuntang classroom dahil nakuha ko naman na ang mga kaylangan ko sa locker. Paliko na sana ako nang biglang may humarang sa daanan ko.




Napansin ko rin naman agad ang cheerleading uniform na suot niya kaya napairap na lang ako nang tignan ko rin siya. I even crossed my arms in front of my chest as I stared back at her.





"Inlove much?" She raised a brow.





"Inggit ka?"




"As if."




"May kaylangan ka ba o anong na namang problema mo sa'kin?" I shook my head.




"Whoa, gustong-gusto ko ang tapang mo ngayon, Michelle." Natawa pa siya. "Wala naman akong problema."




"Sinayang mo lang pala ilang minuto ng buhay ko." Lalagpasan ko rin sana siya nang bigla niya 'kong hilahin pabalik sa harap niya kaya napakunot lalo ang noo ko.





"Wala akong problema but I just want to remind you something. Don't be so full of yourself in front of me because you finally have Jacob with you. Kung akala mo natatakot ako sainyong dalawa at sa mga kaibigan mo, nagkakamali ka. I can take all of you down. Your happiness won't last long, Mitch. So brace yourself." She patted my cheek before walking away.






Napahawak ako sa pisngi ko nang malingon ko siya ulit. Wala akong ideya sa ibinabanta niya kaya hindi ko na lang 'yon inisip at dumiretso na sa classroom. Namiss lang siguro ako ni Chesca bully-hin. Wala siguro siyang mapagtripan ngayon kaya ako na naman ang nakita niya.





Nakasabay ko pa sa pagpasok ng classroom si Coach Cj. Nag-announce lang siya na excuse ang mga varsity players kaya wala sila Jacob at Jayden simula at hanggang matapos ang klase.


Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now