1

318 21 77
                                    

"Yes! May laman na ulit 'tong armchair!" Keira tapped the table beside her which is my seat. Nilapag ko na ang bag ko ro'n saka naupo sa tabi niya.



Tumabi rin si Gabby sa kabilang side ko dahil wala pa namang nakaupo kaya napapagitnaan nila akong dalawa. Sinimulan na rin nila akong daldalin hanggang sa makarating na ang sunod na subject teacher.




Fourth class na 'ko pumasok at alam naman nila 'yon. Sinigurado ko rin namang naipasa ko na ang mga dapat sa mga naunang subjects kanina bago ako tumuloy dito. Glad that the teachers here are considerate and very understanding.





"Ms. Morales, good to see you back in class after a long time," sabi ng teacher namin nang mapansin niya na rin ako.



Malapad lang akong ngumiti sa kanya nang simulan niya ako interviewhin ng kaunti. Mayamaya lang ay dumating na ulit ang mga kaklase namin dahilan na rin nang pagbalik ni Gabby sa mismong upuan niya.




Parang natigil ulit ang paghinga ko nang makita kong papalapit na rito si Jacob. Napalingon din ako sa kanya nang maramdaman kong sa likuran ko pa siya nakaupo. "Pota naman..." Napapikit na lang ako habang naaalala ang mga nangyari kanina.



🍁

Hindi ako mapakali buong oras ng klase dahil doon. Tanggap ko namang magkaklase kami pero kaylangan ba talagang ganito kami kalapit sa isa't-isa ngayon? Parang pakiramdam ko maling desisyon 'tong bumalik pa ako ng face-to-face. Pero ayos lang, exciting naman hehe...




Hangga't maaari rin ay hindi ako lumilingon sa likuran ko. Para tuloy akong na-stiffed neck. Tahimik lang din ako buong klase dahil nasa likod ko siya. Nagsasalita lang ako kapag tinatawag ako o trip kong sumagot. Matapos ang minuto ng pagre-recall ng lesson ay nagpa-quiz na ang teacher namin.





Sa sobrang hindi ako mapakali ay nahulog ko pa ang ballpen ko. "Tangina naman talaga..." sambit ko sa sarili ko pero narinig 'yon ni Keira at natawa. Nilakihan ko lang siya ng mata para iparating sa kanya na manahimik siya.




Napagdesisyunan kong mamaya na lang kunin o kung may gustong kumuha, kaniya na lang 'yon. Basta, hindi ako gagalaw dito sa upuan ko dahil baka mapatingin ako sa kanya.




Kumuha na lang ako ng panibagong ballpen at nagsimula nang magsagot. Nanigas ang buong katawan ko nang marinig kong inaabot niya sa'kin ang ballpen ko.



Hindi ko 'yon pinansin at nagpatay-malisya na lang. Pero inulit niya pa ang pag-abot sa'kin. Tinapik-tapik niya pa ang ballpen sa balikat ko kaya napapikit na lang ako. "Miss, your pen," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.




Dali-dali ko na lang 'yon kinuha sa kanya at nagpatuloy sa papel ko. "Wala man lang thank you?"




Napaawang ang labi ko nang sabihin niya 'yon. Napalingon din ako sa kanya. "Magpasalamat man ako o hindi, hindi no'n mababago ang score mo sa quiz mamaya." Umirap ako at nag-focus ulit. Narinig kong mahinang natawa si Keira kaya siniko ko agad. Halatang inaasar ako!





🍁

"Just a reminder for those cotillion dancers, you guys only have few weeks to practice so better be present in every meeting," Mrs. Hadia, our class adviser, finally dismissed the class after an hour.





Nauna ring lumabas si Jacob kasama ang kaibigan niya, si Jayden. Nang lingunin ko ang table niya'y may naiwan na naman siyang gamit—'yong notebook niya.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon