32

31 2 2
                                    

We started doing the treatments as my doctor said at home. Nagpumilit akong umuwi dahil mas lalong lalaki ang bill namin sa ospital kapag nanatili pa kami ro'n ng matagal. Mas lalo ring nahahati ang oras ni Papa. Minsan ay hindi na niya naaasikaso ang sarili niya. And it hurts me seeing him like that...





Nagiging maayos naman ang pakiramdam ko sa mga treatments na bilin sa'min ni doktora. Pero sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman ang kalbaryo ko. Parang impyerno sa katawan ko ang bawat gamot na iniinom ko.





Other symptoms are slowly starting to show. And in every symptoms reminds me of my father's hardworks for me to be cured. And that's another reason for me to get up everyday. With the help of my mom and Jayden. Sa mga oras na nagiging maayos ang pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng pag-asang gagaling ako at hindi na muling maghihirap ng ganito si Papa.








I was... I was trying so hard to be okay not until the next check-up that broke me more into pieces; which also led me for a wish. Something I wanted to do just in case...





I reached for the bucket list on my side table after drinking my medicines. Kinuha ko na rin ang phone ko at kinontak si Jacob. Hindi maipaliwanag ang saya sa tono niya nang sagutin niya ang tawag ko. Ngayon na lang din kasi kami nakapag-usap.





"Do you still have plans before the vacation ends?"






[Jacob: Hmm, plans with the fam are already done. But plans with you this summer, sure. Why? You have something in mind? Count me in, baby!]





I bit my lower lip to control it from trembling because of my cries. I missed that voice so much. I want to hear more of it. Hangga't kaya ko pa... Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "The remaining things on my bucket list..."






[Jacob: Our bucket list because we are fulfilling it together.]





Napangiti ako ro'n pero kasabay din no'n ang pagmura ko sa kanya sa aking isipan dahil mas lalo akong pinaiyak ng sinabi niya. "That will be our plans. You think we can do it before summer vacation ends?" Narinig ko pa ang tunog ng pagbukas ng drawer niya at ang tunog ng papel.





[Jacob: Hmm, I know a place.]





"Okay!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "Dalhin mo 'ko ro'n, ah!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at ibinaba na ang tawag. Kumuha na ako ng unan at doon na tuluyang humagulgol. "T-to... To more summers..."





🍁

Lumuwas pauwing Pampanga si Papa kasama sila Tita Maricelle kaya naiwan ako rito kasama si Jayden. Magtatagal sila roon dahil sa trabaho ni Papa at hindi ko alam kung kailan ang balik nila rito sa Maynila. Gusto ko rin sanang magpaalam sa kanila na may alis ako pero alam ko namang hindi nila ako papayagan.




"Cagayan?! Magbabakasyon kayo ro'n?!" Parang kaunti na lang ay hihimatayin na si Jayden. "Teka, alam niya na ba ang kondisyon mo? Paano kung may mangyaring masama sa'yo ro'n?"




Nakatakip ako sa magkabilang tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Sunod-sunod pa ang mga sinasabi niya kaya tinakpan ko na lang ang bibig niya para matigil. "Kumalma ka nga! Hindi kami magtatagal doon. Promise ko sa'yo na uunahan naming dalawa umuwi 'yong mag-asawa." I raised my right palm.







"Ilang araw ba kayo ro'n?"






"Sapat na ang dalawang gabi. Hindi ko naman hahayaang madisgrasya ang sarili ko ro'n. Please, Jayden, payagan mo na 'ko." Para niya akong bunsong kapatid na nagmamakaawa sa kanya ngayon.



Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon