23

44 2 3
                                    

"Masakit pa rin ba ang kamay mo?" tanong ni Gabby kay Solene. Napansin ko ring wala ng bandage ang kamay niya. Tumango naman siya bilang sagot. "Hayaan niyo na. Worth it naman ang sinapit ng kamay ko. Maliit lang 'to pero solid 'to." Hinalikan niya pa 'yon.





"Uhm..." Napatigil kami nang magsalita si Debby na kanina pa tahimik simula no'ng pagkalabas namin. "I'm sorry... I'm sorry if I reacted badly... I-I'm just worried about us that we won't be able to graduate..." Hirap na hirap siyang sabihin iyon. "I'm sorry if I got irritated so fast that day. Nasi-stress ako at hindi ko alam ang unang gagawin. Wala naman talaga akong pakialam kung ipatawag ako sa guidance. Pero mabuti sana kung ako lang kaso hindi. I'm sorry... I just don't want you guys to get into more trouble. And I'm sorry, Sol." Umiwas siya ng tingin agad, parang naluluha pa.





Agad akong yumakap sa kanya at sinabing hindi naman dapat siya ang nagsasabi no'n kundi ako. "Hindi naman 'to mangyayari kung hindi dahil sa'kin." Huminga ako nang malalim nang makabitaw din ako kay Debby.





"Hey, she started that fight. Nananahimik ka naman pero siya 'tong panay ang gulo sa'yo. Tama si Sir Henry kanina. Wala siyang rason para gawin 'yon sa'yo, Mitch," sambit ni Jewel.





"Ako talaga ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon," singit ni Solene. "Pinadugo ko ba naman 'yong ilong, eh. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa magtanda 'yong putanginang 'yon." Napailing-iling pa siya. Lumapit na rin siya kay Debby saka yumakap. "And I don't mind not marching with you guys on that stage. Ang mahalaga ga-graduate pa rin ako!"






"And the photos." Napalingon ang lahat kay Jaja. "We've seen the photos of them kissing... That was so unbelievable. Akala ko smooth sailing na kayong dalawa ulit." Sarkastiko pa siyang tumawa.





"Hindi pa naman kayo ulit, 'di ba?" tanong ni Keira na inilingan ko rin habang nakayuko ako. Ilang araw ko na ring iniisip ang mga bagay na 'yon at talaga namang hindi ako pinapatahimik.





"Those photos will remain between us and those two assholes. Personal matter na 'yon kaya hindi ko na pinakita sa guidance kanina. Iyong memory card na 'yon ay sa akin talaga. Inilipat ko lang ang video na 'yon doon para magsilbing pruweba natin," paliwanag ni Jaja. "Nakaiwan na rin sa guidance office ang phone ni Chesca at si Sir Henry na lang din ang magbibigay no'n sa kanya.





Tumambay pa kami ng ilang minuto sa tapat ng guidance office nang maisapan na rin naming bumalik sa kanya-kanyang classroom. Si Ate Lexi naman ay nanatili muna sa coffee shop habang inaantay din ang uwian namin.





Nakahinga ako nang maluwag nang wala si Jacob ngayon. Tahimik na lang din akong naupo at hinayaan ang sariling umidlip dahil wala namang klase.




🍁

Nagising na lang ako sa yugyog ni Gabby dahil uwian na. Agad kami lumabas tatlo nila Kei ng classroom at sinalubong ulit ang mga kaibigan namin. Ang saya-saya namin ngayon na akala mo'y walang nangyari noong mga nakaraang araw.





Nauna nang lumabas ang iba kaya naiwan ulit kaming tatlo nina Kei at Gab dahil nag-CR pa sila. Hindi naman na sila nagtagal pa ro'n kaya nakapaglakad din kami agad.





Nagmamadali pa kami dahil gutom na kami at kaninang hapon pa ro'n sa coffee shop naghihintay si Ate Lexi. Napatigil lang kami nang makita naming lumabas sa gym ang mga varsity. Kasama na ro'n si Jacob. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay nagmadali akong maglakad para makaiwas.





Agad din naman nila akong sinundan pero saglit ding napatigil ulit nang sila ang maabutan ni Jacob. Nasa labas na ako ng gate ng campus namin kaya hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila ro'n pero sa nakikita ko, mukhang hindi mapakali si Jacob. Nakita ko ring inagaw na ni Gabby ang braso niya sa pagkakahawak nito at nagsimula nang maglakad ulit papunta sa'kin.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now