17

92 7 12
                                    

"Enjoy your coffee, Ma'am!" That was the last cup I served for today's duty. Matapos ko sa counter ay dali-dali akong dumiretso sa staff room para magpalit ng school uniform ko. Tumawag na lang din si Gabby ng tricycle para hindi na kami maglakad dahil late na kami sa first class. Doon na rin ako nag-ayos ng sarili ko.






Nang makarating kami ay kami na lang ang students na nasa labas ng classroom. Mayamaya lang din ay nakita namin ulit sina Jaja, Jewel at Debby na bumaba galing second at third floor, mukhang hindi na rin sila pinagbuksan ng pinto. Si Gian naman ay dumiretso na lang ng canteen, mukhang chill pa.







Nang makita siya ni Keira ay saka siya sumunod sa kanya. Gano'n din sina Jaja, Debby at Jewel. Naghintay pa kami ng five minutes ulit ni Gabby kung pagbubuksan kami pero wala talaga kaya sumunod na lang din kami sa kanila.






Hindi rin naman kami nagtagal sa canteen dahil baka may makakita sa amin doon. Dumiretso agad kaming restroom at doon na lang muna nagpalipas ng oras.






Kapag mayroon ding papasok ay nagsisiksikan kami sa iisang cubicle para itago ang sarili. Maliban kina Jaja at Jewel na sa malaking cabinet nagtatago. Doon din sana kaming apat kaso maliit lang ang espasyo no'n kaya hindi kami magkakasyang pito roon.







"Ang init, putangina..." bulong ni Gian habang nasa loob kami dahil pumasok ang isang subject teacher niya para mag-ayos ng sarili.






"Gian, umusog ka ro'n. Wala na 'kong space dito." Mahina siyang itinulak ni Keira para makausog. Nang gumalaw siya ay nasagi niya pa ang takip ng toilet bowl kaya bumagsak iyon nang pagkalakas-lakas.







We froze inside the cubicle, catching our breathes. Saka lang kami nakahinga nang malalim ulit nang marinig na naming lumabas na 'yong teacher. Naunang lumabas si Gian pero agad din kaming pinabalik sa cubicle para magtago ulit nang mayroon na namang papasok.






Nakatungtong na rin ako sa takip ng toilet bowl para magkaroon kami ng kaunting space. Ako na rin ang sumilip kung may tao pa ba o wala na. Mayamaya'y nakitungtong na rin si Gian. Napakapit ako agad dahil parang mahuhulog na kami. "Tangina mo, baka masira 'yong takip!" mahina kong sambit sa kanya.






"Kaya kong bayaran 'to," sagot niya sa'kin.






"'Wag kayong maingay!" saway ni Gabby habang pawis na pawis na rin siya. "May tao pa ba? Init na init na 'ko!" mahina niya ring sambit.







"Nakalabas na pero may papasok ulit," sagot ulit ni Gian. Takang-taka pa 'ko kung sino ang kinakawayan niya sa labas ng cubicle kaya sinilip ko rin.






Pagtingin ko ay sina Jaja at Jewel 'yon na nakasilip din sa labas ng cabinet na tinataguan nila. Ilang beses din kaming labas-tago ang ginawa sa restroom. Halos hindi na nga rin kami yata lumabas para hindi na kami hassle sa pagtago ulit.






Nagawa pa mag-yaya ni Jaja na mag-picture ng ilang beses. "This is fun. Much better than the late slip," sabi niya pa.






"Fun? We just cut classes," singit naman ni Debby na mukhang kanina pa kinakabahan.






"As if you didn't cut classes with us before, huh?"






"W-well, that was different." She shook her head. "We were just lucky that day. This time, what if someone caught us here?"







"No one will see us here. Besides, we won't be here for long. Dito lang naman muna tayo hanggang mag-recess na ang lahat." Jacqueline looked so chill. "Oh! And if someone caught us, we'll still be together! At the Guidance Office or even detention!" She scrunched her nose.








Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now