4

175 19 71
                                    

Mayamaya'y nakarating na rin kami sa tulay. Inilapag ko saglit ang bag ko sa gilid at gano'n din ang ginawa ni Jacob. Sabay din naming inilibot ang paningin sa paligid. Kitang-kita rin naman sa reaksyon niya na manghang-mangha siya sa mga nakikita niya.





May mga bulaklak at mga naglalakihang puno ang lugar kaya maganda talaga pagmasdan. Sumakto pa na mayroong mga bituin ngayon kaya mas magandang tignan ang langit.





Napangiti ako nang makitang nakangiti rin siya. Hindi niya naman 'yon nakita dahil abala siya sa pagtingin ng paligid. Tahimik lang kaming dalawa, pinapakinggan ang tunog ng alon. Ipinikit ko na rin saglit ang mga mata ko, dinadama ang malamig na hangin.




We used to go here together...




I took a deep breath before opening my eyes again. And by that, nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Bigla niya rin namang iniwas 'yon at ibinalik ang tingin sa langit. "Nahuli ko 'yon, ah." The side of my lips rose.





"Ang alin?"




"Nakatingin ka sa'kin. Bakit mo 'ko tinitignan?"





Lumunok pa siya. "Uh, ano... May dumi ka kasi sa buhok." Sabay hawak niya rito at kunyaring may inaalis na dumi. Agad ko rin namang hinawi ang kamay niya dahil nagugulo ang pagkakaayos nito. "Aminin mo na, nagagandahan ka sa'kin."






"In your dreams."






"Huli na, tinanggi pa," mahinang sambit ko na lang sa sarili ko. "Bakit mo nga pala naisipang sumama rito? Okay ka lang ba?" Pag-iiba ko na lang ng usapan.






"Ikaw, okay ka lang ba?"





Napatitig ako sa kanya at nang maramdaman niya 'yon ay nilingon niya rin ako. "Be honest," dagdag niya pa. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.






Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit niya hinawakan ulit ang kamay ko kanina samantalang tapos na rin naman ang practice. Kumokontra rin doon 'yong nakita ko sila kanina ni Chesca sa second floor.






Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman ngayon. Hindi rin magkasundo ang puso't isip ko dahil doon. "I am okay." Iyon na lang ang isinagot ko.





Wala naman akong paki kung maniniwala siya sa sinabi ko o hindi. Ayoko rin magpaliwanag ng mga iniisip ko ngayon dahil alam ko namang hindi niya 'ko maiintindihan. Ibinalik ko na lang din sa kanya 'yong tanong ulit. Natuwa naman ako nang magkwento siya sa'kin.






"She rejected me."





"Deserve mo." I laughed, trying to make the atmosphere light between us. Inasar-asar ko pa siya.





"Well, I wasn't that much affected by it. Sayaw lang naman 'yon." He shrugged. He even stick his tongue out kaya natawa ako ulit. Alam ko namang napipikon na siya. Idinadaan niya na lang din sa pambabawi sa'kin.





Mayamaya'y nakaramdam na ako ng gutom kaya naglabas ako ng chichirya galing sa bag ko. "Junk foods for dinner?" His brows furrowed.






"Gusto mo?" Inabot ko sa kanya ang isa pang chichirya na malaki. "Kung ayaw mo rin, may pancit canton naman ako rito. Maraming flavors na pagpipilian. Papapakin mo nga lang dahil wala naman tayong panluto rito." Sinimulan ko nang kainin ang chichirya ko. Inalok ko siya ulit pero ayaw niya talagang kumain.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now