22

43 2 3
                                    

"Tungkol saan na naman ba ang pag-aawayan natin? Si Jacob na naman ba? Chesca, matuto kang dumistansya sa hindi sa'yo," mariin kong sabi nang lapitan ko na rin siya ulit. Bitbit ko na rin ang duffel ko, handa nang lumabas.



"I think you're the one who needs to distance herself from him." Dinuro niya ang ulo ko. "He's only playing with you, Michelle." Napailing-iling pa siya habang nakangisi sa'kin.




"Wala kang alam sa'min."



"Don't underestimate me, Mitch. Because I know a lot about you two. Baka ikaw ang walang alam sa'ting dalawa. Hm, what will you do if someone you like is kissing someone that wasn't you."



Biglang napahigpit ang hawak ko sa duffel bag ko habang nanglalambot ang mga tuhod. "'Wag kang manira ng ibang tao, Chesca."



"Want proof?" She showed me a video of them from her phone. My whole body started to feel weak when I saw it. They were at the gym... Kissing... 



"H-hindi siya 'yan, Chesca." I tried to walk away. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na hindi siya 'yong nasa video. Sarkastiko naman siyang tumawa nang hilahin niya 'ko pabalik.




"Try swiping it. To see is to believe." Inabot niya pa sa'kin ang phone niya habang ako ay nakatitig lang doon. Naka-display pa rin ang video ro'n at siya na rin ang nagsimulang mag-swipe para sa'kin.




Sunod-sunod kong nakita ang litrato nilang magkasama doon sa gym. Pare-parehas lang din naman na nakahalik ang mga 'yon, iba-iba lang ng anggulo at malinaw na malinaw na si Jacob ang lalaking nasa pictures.



Nanghihina akong binalik sa kanya ang phone habang nakatulala na lang sa sahig. Hindi ko na makita ang paligid dahil sa luha kong nagbabadya kanina pa.



"I told you. Your happiness won't last long." I felt her satisfaction in her voice after saying that. Saka lang din niya 'ko tuluyan nang pinalabas ng banyo. Ang dumi-dumi ko pa dahil hindi pa natatanggal lahat ng pintura sa'kin.



Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa restroom nang makabungguan ko sina Gabby. Iniwas ko rin agad ang tingin habang tinatanong nila ako kung anong nangyari. Bakas din sa mukha nila ang galit ngayon.



"Sinong gumawa sa'yo niyan?!" sambit ni Gabby pero hindi ako makasagot dahil ayoko ng gulo.



"A-Aksidente lang 'to, Gab. Kumalma ka." Nang sabihin ko 'yon ay agad na naglakad si Solene patungong restroom dahil nakita niyang lumabas doon si Chesca. Agad din namin siyang sinundan dahil alam namin ang magiging kasunod no'n.





"Francesca!" Nagsimula akong kabahan nang marinig ang malakas na kalabog ng malaking pintuan ng banyo nang itulak pabalik ni Solene si Chesca sa loob.



Rinig naming lahat ang malutong mura niya kasabay nang pagsuntok niya kay Chesca. Gulat din kaming lahat nang bumagsak si Chesca sa sahig at namumula na ang mukha. Iisa pa sana si Solene pero hinila na siya nila Gian at Debby.



Hindi ko alam kung hindi ba nila nahawakan ng maayos si Solene o sadyang galit na galit lang talaga siya at ang hirap na niyang awatin kaya siya nabitawan ng dalawa.



Pinagmumura niya si Chesca nang suntukin niya ulit. "Solene, enough!" Hila sa kanya ulit ng dalawa. Inilayo ako ro'n ni Gabby at Jewel habang ang iba ay nanatili sa loob.



"I told you! I fucking told you to never lay a finger on my friends dahil hindi mo magugustuhan ang ibabalik ko sa'yo! I warned you, Chesca!" Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Solene. Nakasara na ang pintuan ng banyo pero rinig na rinig pa rin namin siya dito sa labas. Kahit ang boses ng iba na umaawat sa kanya.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now