19

99 6 12
                                    

"Spotters! Galaw-galaw!" Sigaw ng nagtuturo sa'min para marinig ng iba. Nasa kalagitnaan na kami ng practice at dahil weekends naman, maaga kaming nakaattend dahil maaga din kami natapos sa trabaho.







"Lifters! 'Wag kayong lutang! 'Wag niyong iiwasan ang flyer niyo dahil kapag nahulog 'yan, sinasabi ko sainyo! Flyers! I-practice niyo balance niyo mamaya! Okay, from the top!"







Bumalik na kami sa dating pwesto para umulit. Pagod na pagod na rin kami at dahil may mga pasaway kaming kaklase, hindi kami makapagpahinga agad.







"Mitch, okay ka lang? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" Hawak ni Keira sa balikat ko. Tumango na lang ako at hindi ko na sinabing medyo nahihirapan na akong huminga. Buti na lang at open ang gym kaya pasok na pasok lahat ng hangin kaya hindi rin ako masyadong naiinitan.






Isang pasada lang din ang ginawa namin saka na kami pinagpahinga. Kanya-kanya na ring labas ang mga kaklase namin para bumili ng pagkain.





Agad din akong inabutan ni Keira ng tubig at inalalayan papuntang bench. "Kapag may nararamdaman kang hindi maganda, magsabi ka na agad, ha?" sabi niya nang maiabot ko na rin sa kanya ulit ang tubigan niya.






Tumango na lang ulit ako sa kanya. Mayamaya'y dumating na rin si Gabby kasama sina Jacob at Jayden na may dala-dalang meryenda. Iyong iba ay binigay nila sa instructor at sa ibang mga kaklase namin. Pagkatapos, tinabihan na rin ako ni Jacob. "You okay? You look so..." Tinitigan niya pa ang buong mukha ko.






"I look what?"






"Exhausted. You're so pale." He started to look worried. Tsineck niya pa kung mainit ako pero hindi naman. "You don't have fever yet you don't look okay. Should I take you home?"







"Oo nga, Mitch. Ipapaalam na lang kita kay Kuya Julius," sabi muli ni Keira sa'kin na tinanggihan ko agad.





"Okay lang ako, Kei. Gutom lang ako." Iyon na lang ang dinahilan ko.






Lumapit na rin ang dalawang aso't-pusa rito sa pwesto namin at inabutan kami ng pagkain. Nang iaabot na sa'kin ni Gabby ang pagkain ay napatigil siya saglit at matagal akong tinignan.





"Gago ka! Ang putla mo!"





"Anong masakit sa'yo, Mitch? Nahihilo ka ba?" singit naman ni Jayden. Ngayon, apat na silang nag-aalala. Ayoko ng ganito. Nagmumukha akong kawawa.





Para makakalma sila ay niyaya ko na lang sila na samahan ako maglakad-lakad sa football field na hindi naman kalayuan dito. Isang oras naman ang binigay na breaktime sa'min kaya sure na makakabalik kami agad sa gym bago mag-start ulit.






Sinabi ko na lang na pupuntahan ko si Solene doon dahil doon naman nagpa-practice ang section nila. Saktong breaktime din nila. Baka kasi isipin ng mga kaklase niya na spy kami ro'n.






Agad na sumalubong sa'min si Solene nang makita niya rin kami. "Oh, Kuya! Nandito ka rin! Ikaw rin, Kuya Jayden! Kamusta practice niyo?" she asked, cheerful as ever.






"Ito, napakasakit na ng braso ko. Ang bigat kasi ng isang flyer d'yan." Parinig niya kay Gabby habang iniikot-ikot ang braso niya na akala mo napilay.






"Kapal ng mukha nito. Hindi ka nga marunong sumalo!" sagot naman ni Gabby sa kanya.






"Anong hindi? Gago, lahat ng bigat na sa'kin. Tapos kapag babagsak ka galing ere, sa'kin pa rin. Para akong pinaparusahan kapag itataas ka pa. Sa susunod nga 'wag ka munang kumain bago mag-practice nang gumaan-gaan ka naman!"






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now