33

34 2 1
                                    

We're already back in our rooms. Nakahiga na rin ako habang hinihintay si Jacob na matapos mag-shower. I was staring at the paper — the bucket list, 'til I decided to cross out one. Iyon ay ang paglalaro ng volleyball sa beach. I was once a player but because of my epilepsy, I stopped. Napaisip rin ako na kung maglalaro kami no'n ay baka mapaano ako.




Nang ibalik ko na sa bag ni Jacob ang papel ay saka ako nag-text kay Jayden. Simpleng update lang naman na buhay pa ako. Pinaalam ko na rin sa mga kaibigan ko na nakauwi na 'ko kuno galing Pampanga. Agad nila ako tinadtad ng chats na akala mo sampung taon akong nawala ng Maynila.





"Pwede ko na siguro ilagay sa IG story ang mga pictures natin, 'no? Since you told them you're home already." Biglang singit ni Jacob sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan na nakikibasa na pala siya sa chats namin ng mga kaibigan ko. Buti na lang at wala pa kaming pinag-uusapang kalokohan!




Pinatay ko na agad ang phone ko dahil baka kung ano pang chats nila ang mag-pop up sa notification ko. Inayos ko na rin ang higaan namin para makatulog na pero mukhang mas lalo yata akong mahihirapan ngayon.




Halos manuyo ang lalamunan ko nang dumampi sa'kin ang malamig niyang balat. Ramdam ko rin ang paghinga niya sa bandang leeg ko kaya hindi ako makalingon. Sigurado ako na kapag humarap ako sa kanya ay dadampi rin ang labi ko sa kanya. My goodness! Hindi ako handa!



Nanatili na lamang akong nakatalikod sa kanya, nagkukunwaring inaayos pa rin ang tutulugan namin. "Daig mo pa ang plantsa sa pagtanggal ng gusot ng kumot. Kanina mo pa 'yan inaayos." He chuckled before moving away. What a tease! 




Nang malingon ko siya'y nagsusuot na siya ng t-shirt niya. Aw, goodnight, beloved pandesal. Bukas ng umaga na lang kita ulit kikitain. "Shall we sleep?" aniya nang makabalik siya sa tabi ko ulit at ibinalot ang sarili sa kumot.



"You go ahead. I'm not yet sleepy." He had no idea that I'm dealing with pain that's why I can't sleep. I can feel my feet swelling. Parang pakiramdam ko rin ay pupulikatin ako sa gitna ng tulog ko.




"Ano pa ang gagawin mo?"


"Hindi ko alam. Magbabasa siguro?"



"You want me to read you bedtime stories? What do you like? Cinderella? Pinocchio?" Tumawa siya.




"Tingin mo sa'kin, five years old?" Mahinang hampas ko sa kanya ng unan. "Magpapaantok lang ako. Matulog ka na. Hindi naman ako aalis sa tabi mo, eh."




"Matutulog ako kapag inantok ka na rin."



"Ay, bahala ka. Wala naman sa'kin ang mata mo." Napailing-iling na lang ako saka nahiga. Kinuha naman niya ang gitara niya sa gilid ng mga bag namin saka nagsimula akong tugtugan. "Maybe, music can help you fall asleep." He started strumming random melodies, humming to it, too.
He's right, that'll help me fall asleep...





🍁

Heavy breathings...



Dangers...


Broken pasts...


Painful current moments...


Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now