31

39 2 1
                                    

Matapos magliwaliw sa mall ay naisipan naming mag-stroll sa kung saan. Wala akong ideya kung saan niya ako sunod na dadalhin pero isa lang ang masisigurado ko ngayon. Iyon ay ang simpleng tuwa na nararamdaman dahil sa mga nakikita ko sa labas ng kotse.





Maraming puno at mga bulaklak sa paligid. Tanaw rin sa hindi kalayuan ang dagat. May mga naglalakad na magkasintahan, masasayang pamilya, at mga cute na aso na naghahabulan sa tabing-dagat. Tuwang-tuwa lang akong pinagmamasdan ang mga iyon hanggang sa unti-unti na lang din akong napapapikit.





🍁

I woke up on the couch, already at my apartment. Napagtanto ko ring hapon na dahil sa araw sa labas nang silipin ko. Hindi rin nagpahuli sa pagkuha ng atensyon ko ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina.






"You sure this is Mitchie's favorite?" Rinig ko sa boses ni Jacob. Sinilip ko iyon at nakita kong hawak-hawak niya si Ice bear habang kinakausap ito na para bang sasagot sa kanya. Gamit din ang kamay niya, pinatango niya iyong stuffed toy.






Natawa lamang ako bago siya lapitan at yumakap mula sa likod niya. Nakita ko siyang nagulat dahil sa ginawa ko kaya mas lalo akong natawa. "What are you two making?"






"Your favorite dinner... and it's almost... done." Nang matapos niyang ilagay ang huling ingredient ay tinakpan niya na rin ang kaserola saka humarap sa'kin para ibalik ang yakap ko. Mas mahigpit pa ang pagkakapit niya sa'kin.






Ilang minuto lang din ay tapos na ang niluluto niya. Tuwang-tuwa pa ako nang makita kong adobo ang inihain niya sa'kin! Iyon kasi ang paborito kong ulam. Iyon nga lang ay hindi namin iyon kinain agad bagkus ay inilagay niya iyon sa magkahiwalay na tupperware.







"Teka, sinong pinaghandaan mo ng baon?" takang-taka ko nang tanong sa kanya.






"Tayo," simple niyang sagot habang naglalagay pa ng iba't-ibang snacks sa backpack niya. "We still have one destination to go, Mitchie."





🍁

Alas kwatro na ng hapon nang magsimula kaming bumyahe ulit. Kahit hindi niya sabihin kung saan kami pupunta ay may ideya na 'ko dahil pamilyar ang dinadaanan namin ngayon. Mayamaya lang din ay nakarating na kami. Tama nga ako ng hula. Dito nga kami sa tulay sa tabing-dagat.






Nang makapwesto na kami ay inilapag ko agad ang mga pagkain na dala namin sa pula't puting checkered na sapin. Dala-dala rin ni Jacob ang gitara niya kaya musika ang halos naging bonding naming dalawa maghapon.







Hanggang sa unti-unti na naming natatanaw ang paglubog ng araw. Agad akong tumayo para makita ko ng mas maayos ang tanawin. I closed my eyes when the sunrays hit my face. I was smiling - feeling that kind of calming, warmth on my face as my hair feels the wind. The only goodbye that is beautiful to me. Knowing that it'll shine for me again tomorrow.







Pagdilat ko'y nahuli kong nakatingin si Jacob sa'kin nang malingon ko habang malapad ang ngiti. "You look so happy. It made you look more beautiful." Lumapit siya sakin para yumakap. "I love you, Mitchie." Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa noo ko kaya napatingin ako sa kanya.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now