34

37 4 1
                                    

"Michelle! Dalian mo, magsa-start na 'yong movie!" Katok sa akin ni Solene sa banyo. Nasa bakasyon ang pamilya niya at mas pinili niyang magpaiwan dito sa Maynila para samahan ako. Hanggang ngayon din kasi ay hindi pa rin nakakauwi ang mag-asawa.







Sa sobrang pagkahilo ay hindi ko magawang sagutin si Sol sa labas. Nakatutok pa rin ang sarili ko sa lababo at paunti-unting sumusuka.
Mas lalo akong nanghina nang may kasama ng dugo ang huling nailabas ko.







"Fuck..." mahina kong sambit sa sarili ko. Napasandal na lang din ako sa pader habang nakahawak na ngayon sa dibdib dahil nahihirapan na naman akong huminga. Pinilit ko na lamang itayo ang sarili at umaktong parang walang nangyari nang mapagdesisyunan ko nang labasin si Solene.






"Mitch! A-anong nangyari sa'yo? Umiyak ka ba?" Hawak niya agad sa'kin sa balikat nang kamuntikan akong matumba. "Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo bang magpahinga?"





"Ayos lang ba sa'yo?"






"Oo naman! Nand'yan lang ang Netflix. Pwede kong ulitin kahit kaylan ko gusto. Halika, magpahinga na lang tayo." Pinatay na niya ang TV at hinila na ako papuntang kwarto. Nang maayos na namin ang tutulugan namin ay tumabi na kami sa isa't-isa.







"Uuwi ba si Jayden ngayon?"





"Hm, kapag tapos na raw niyang tulungan ang mama niya sa mga gawain. Hindi ko nga lang alam kung anong oras. Saka sabi niya ay tumawag lang ako agad kapag may kaylangan tayo. Iyon ang bilin niya kanina bago umalis. Tulog ka pa kasi kanina kaya sa'kin na lang niya sinabi."





Tumango-tumango na lang ako sa isinaad niya sa'kin bago tuluyang patayin ang ilaw. I forced myself to sleep. Pero dahil sa mga nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na nagawang makatulog.







🍁

Inabot na ako ng hatinggabi na paikot-ikot sa pwesto ko. Pagod at hirap lang sa paghinga ang naramdaman ko habang lumilipas ang oras. Bumangon na lang ako, uminom ng tubig at nanatili sa sala habang iniinda ang nararamdaman.






Ngunit hindi ako nagtagal doon nang maramdaman ko nang naduduwal ako. Pagkalabas ay mayroong dugo ulit. Ganoon din ang nangyari nang maihi ako saglit. Halos hindi na ako makalabas ng banyo dahil sa mga nangyayari sa'kin. Mahimbing na ang tulog ni Solene kaya iniiwasan kong makagawa ng ingay.






Pero hindi ako nakatakas...






"Mitch..." Napalingon ako agad sa boses niya. Nakatayo na siya sa pinto habang pinagmamasdan ang dugong nakakalat sa lababo. "Sol... Just go back to sleep, please..." Iwas ko ng tingin.





"You're in pain and you want me to just go back to sleep? What the fuck, Michelle?"






Hindi ko siya nasagot agad dahil muli akong napakapit sa lababo at naduduwal. Inalalayan din naman ako agad ni Sol. "Mitch... Bakit hindi mo sinabi?" Unti-unti ko nang naririnig ang mga hikbi niya kaya nilingon ko ulit siya. Nang makaramdam ng hilo ulit ay napahawak na lang ako sa balikat niya.






"I'm sorry..." Unti-unti na lamang akong napaupo sa sahig kasama siya, hindi pa rin ako binibitawan. "K-kaylan ka pa ganito?" tanong niya muli.







"Matagal na, Sol. Noong sinabi kong nasa Pampanga ako, hindi 'yon totoo... I'm sorry... I was at the hospital that time."






"Bakit hindi ka nagsasabi?"





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon