35

49 3 1
                                    

"Happy birthday, Solene!" bati naming lahat nang makapasok na siya ng kwarto. Kamuntikan niya pang mabitawan ang mga prutas na dala niya dahil sa party poppers na pinatunog ni Gian sa gilid niya no'ng pumasok siya.




"Parang mga gago naman!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit nang simulan na siyang yakapin ng mga kaibigan namin. "Happy sweet 16, Solly!" Lumapit si Jaja, hawak-hawak na ang cake.







"Wait, make a wish muna!" sabi naman ni Jewel na may hawak ng camera, handa na siyang kuhaan sa iba't-ibang anggulo. Tipid na ngumiti si Sol saka tumingin dito sa pwesto ko.





Ganoon na rin ang ginawa ng iba at kahit wala pang sinasabi si Solene ay naiintidihan na ng lahat ang gustong ipahiwatig ng mga mata niya. "You," she mouthed at me. Pilit siyang ngumiti bago tuluyang hipan ang kandila.





"Same wishes... from all of us," ani Ate Lexi at lumapit sa'kin saka ako binigyan ng yakap. Sumunod din ang iba sa kanya. Nang makabitaw ay saka na kami nagkayayaan kumain. Kaunting pagsasalo-salo lang ang ginawa namin. Sapat na para mai-celebrate ang kaarawan ng pinakabata sa'min.





Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon ay saka namin naisipang ibigay na kay Solene ang mga regalo. Madalas ay si Ate Lexi ang nauuna dahil siya ang pinakamatanda. Hanggang sa ako na ang sunod. Her reaction was priceless when she finally opened my gift and saw that it was a poetry book.





Lumapit siya sa'kin para yumakap at humalik sa pisngi. Matapos ibigay ng lahat ay nagmuni-muni muli kami, pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa labas. Nalipat lang ang atensyon ko sa phone ko na panay vibrate kanina pa. I restrained myself from answering his calls. Mas lalo lang ding sumakit ang dibdib ko nang mabasa ko ang iilang text messages niya sa'kin. Dibale, Jacob...





Matapos ang hapon ay bumisita naman si Papa. Hanggang video call lang din ako kina Tita Maricelle dahil hindi pwedeng dalhin ang kapatid ko rito sa ospital, delikado para sa kanya ang ma-expose sa ganitong lugar.





Si Papa ang nag-alaga sa akin buong gabi pero kinailangan niya akong iwan kay Jayden ulit dahil may trabaho pa siya kinabukasan. Mayamaya lang din ay biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Lily, halatang galing sa galaan at dumiretso rito para bumisita rin.




🍁

"Why don't you want Kuya to know about this?" tanong niya habang nakayakap sa mga hita ko. I smiled bitterly as I caressed her hair. "It's... it's hard. Besides, I think it's better this way. He needs to get used to my absence, Lily."






"Why are you saying it like that?" Saka siya bumangon para harapin ako.





"Like what?"





"Like you're saying... goodbye? Ate... gagaling ka... Please..." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Unti-unti ko na ring napapansin ang naluluha niyang mga mata. There's no words coming out from my mouth but I wish she can hear my thoughts... my heart... and my body...





"Can I sleep here? Kahit ngayon lang, please? Don't tell Kuya that I'm here." Lumapit na siya kay Jayden na kanina pa kami pinagmamasdan.





"Papatayin na ako ng Kuya mo kakatago ko sa'yo." Napakamot na lang ng ulo si Jayden.






"Please, Kuya Jayden? Promise, I'll be home tomorrow. Hindi na rin ako magpapahatid sa'yo para hindi isipin ni Kuya na tinatago mo 'ko."





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now