29

49 3 2
                                    

Kinuha niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa pisngi niya at hinawakan iyon. He took a deep breath as he caresses my hands with his thumbs. Sinimulan niya na ring ikwento sa'kin ang lahat — bawat detalye. Hanggang sa kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon...





"Trust me, hurting you will never be a part of it." Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "I did everything I could to protect you, Mitch." Inihiga niya ang noo niya sa balikat ko kaya napahawak ako ro'n.





"Jacob, hindi mo naman kaylangang gawin 'yon para sa'kin."





"I'm not asking you permission to let me do it. I did it selflessly, my own decision."




"Kaya nga. Hindi mo na kaylangang gawin 'yon para sa'kin. Kaya ko namang lagpasan 'yon," matapang kong sambit.





"Hindi palaging kaya mo. Hindi masamang lumaban paminsan-minsan, Michelle." Umayos siya ng tayo at diretso na ang tingin sa'kin habang ako'y nagpipigil ng mga luha. "I can't just let you carry all of those burdens. Let me help you."





"But why? Why are you doing this?" Nagsimula na akong manghina. Mahina ko siyang hinampas sa dibdib nang magsimula nang umagos ang mga luha ko.





"Because I love you." He held my chin. "That'll always be the answer. You know, sometimes, I've had this feeling where I lost you once. I don't know where that kind of feeling was coming from but that... that thing... That losing you... It fears me everyday."





I suddenly felt a stab in my heart when I heard those from him. Some things I don't want to remember suddenly came back. Things I badly fought to get out from it... It all flashed back. From the very first time he saw me again, not someone who's special to him but someone who's a stranger instead...





When things went back to something it used to, I thought I won. I never believe in fairytales but I used to write one my own and it's been a roller coaster ride. And like some stories, it didn't end well.





But we can rewrite it, right?





Matapos ikwento ni Jacob sa'kin lahat ng mga nangyari ay napayapa na ang isip ko kasabay no'n ang maluwag na paghinga. Nakaramdam na ako ng gaan sa pagitan naming dalawa.




Iyon lang naman ang hinihiling ko sa aming dalawa. Kahit hindi na kami bumalik pa sa dati at wala na rin naman akong balak ipilit pa. Basta maging maayos lang kami, makukuntento na ako sa kung anong mayroon sa amin.




Pero minsan talaga ay umiiba ang ikot ng mundo natin, 'no?




"Jacob?"




"Yeah?"




"If ever, in our past lives we really did lost each other, I can't let it happen again this time." I cupped his cheek, forcing a smile. Hinapit niya 'ko sa bewang para mapalapit ulit sa kanya saka niya 'ko hinalikan sa noo. "We won't let it happen." He smiled.




I tiptoed and wrapped my arms around him. I can also feel his hug getting tighter as he buried his face on my neck. Nang makabitaw ako sa pagkakayakap ay hinalikan niya 'ko ulit sa pisngi.




🍁

Lubog na ang araw at nanatili kaming nakatambay sa tulay na 'yon matapos naming mag-usap. Ipinahinga na rin namin saglit ang mga sarili namin sa iyak. Nang makaramdam kami ng gutom ay saka namin naisipang maglakad-lakad hanggang sa may nakita kaming helera ng mga streetfoods.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon