10

143 11 26
                                    

Saktong wala ng katao-tao ang school nang madaanan namin 'yon pauwi. The usual, kumakain din muna kami ng streetfoods bago umuwi. Kumpleto kami ngayon ulit dahil dumating si Ate Lexi kanina. May event din sa school nila kanina at maaga iyon natapos kaya nakahabol siya sa'min.





"Hindi ba kayo hinahanap ng mga jowa niyo?" tanong ni Ate bago sumubo ng kwek-kwek. "Hindi. For sure nag-cutting din 'yon," sagot naman ni Solene matapos niyang lunukin ang bopis niya.




"Hindi ka na niya ba hinahatid sainyo? Delikado pa naman ang daan sainyo pauwi," sabi ulit ni Ate.




"Nako, Ate. 'Wag kang mag-alala sa'kin. May knight in shining rainbow ako!" Tawa ni Solene nang malakas bago isubo 'yong buong kwek-kwek na sunod niyang binili kay Gian. Inabutan niya rin naman agad 'yon ng softdrinks bago pa siya mabilaukan.





"Ikaw, Kei? Kamusta si Kuya Kenzo?" Lipat niya ng atensyon kay Keira na nakatulala lang sa isang tabi. Napatingin din naman agad kami sa kanya dahil hindi namin alam ang balita.





"He's doing good, though. Nakalabas na rin siya ng ospital kaninang tanghali," paliwanag ni Kei.






"Wait, ospital?" Nagtatakang tanong ko rin sa kanya na tinanguan niya. "Nagkagulo sa karera nila no'ng nakaraang gabi. Tumilapon ang sasakyan ng kuya ko. He got lots of stitches and that... that breaks me a lot that night when we arrived at the hospital," paliwanag pa niya.







Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya yumakap na lang ako, trying to comfort her with it. I know how it feels like, losing a family. Ang swerte ni Keira dahil naagapan ang kuya niya.






"He'll be okay..." bulong ko sa kanya saka siya ngumiti sa'kin. "He will. I can't lose another Monteza..." Inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko nang makaupo rin ako sa tabi niya.








Kung hindi pa siguro tinanong ni Ate Lexi ay hindi pa namin malalaman na may pinagdadaanan pala siya ngayon. These people around me, they are loud but silent when it comes to stuff like this and my heart aches for that.






Sometimes, it's kind of unfair that some of us are laughing yet some are dealing with things that breaks them. I don't want to force them to tell me but I hope they know they are not alone in this world. I hope they get through things they don't speak about.





🍁

Mayamaya lang din ay nagkanya-kanya na kami ng uwi. The usual, hindi na kami nagdi-dinner dahil sa labas na kami kumakain. Wala na kaming balak magpuyat dahil may trabaho pa kami bukas.





Maagang nakatulog si Gabby. Pero ako ay nanatiling mulat. Naalala ko ulit ang sulat ni Jacob sa'kin. Nakatitig lang din ako sa screen ng phone ko, nagbabalak na i-chat siya pero 'wag na lang.






Baka isipin niya sobrang excited at interesado ako! Well, totoo naman. 'Wag ko lang ipapahalata. Inilapag ko na lang ang phone ko saka yumakap kay Gabby hanggang sa makatulog na rin ako.



🍁

Trabaho, aral, practice — tatlong bagay na nangyayari sa araw-araw ko kasama ang mga kaibigan ko. Habang tumatagal ay nasasanay na rin ako sa ganitong routine.





Minsan sa sobrang saya ko ro'n dahil kasama ko ang mga kaibigan ko ay hindi ko na lang nararamdaman ang pagod. Malayo ako sa kanila pero sa papamagitan ng coffee shop na 'to ay nagiging malapit ako sa kanila araw-araw.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now