3

177 19 65
                                    

"Go, Team Captain!" Sigaw ko nang makita kong na-shoot niya ang bola sa ring, pilit din na kinukuha ang atensyon niya. Tumigil pa 'ko para i-cheer siya ro'n. Narinig ko pang inasar siya ng mga kasama niya na 'supportive girlfriend' daw. Well... I was... Pero ngayon, supportive na lang...




Saka lang siya tumigil sa paglalaro nang simulan na siyang asarin. Mahina niya ring inihagis sa mga teammates niya ang bola para sila muna ang maglaro saka niya 'ko sinalubong.




"What are you doing here? You suppose to be in class," sabi niya agad habang pinupunasan ang pawis niya gamit lang ang damit na suot. Ang gwapo pa rin kahit ligong-ligo na sa pawis, shet...





Agad akong napailing. Hindi, Mitch! Hindi ka nandito para kiligin sa taong hindi ka na matandaan. Ibigay mo na lang ang dapat mong ibigay tapos magpalamon ka na sa lupa! "Ang sungit mo naman. Here." Inabot ko na ang Latté sa kanya pero tinignan niya lang ang kamay ko.





"Ano 'yan?"




"Zonrox, pangpaputi sa maitim mong budhi," barumbado kong sagot. "'Di, joke. Kape 'to," bawi ko agad sa sinabi ko. Baka kasi hampasin niya 'ko ng ring kapag napikon siya.




"Alam kong kape 'yan."




"Alam mo pala, eh."




"What I mean is, para saan 'yan?"




"Para sa'yo. Kaylangan mo ng pangpa-kalma. Masyado kasing mainitin 'yang ulo mo."





"I don't drink coffee."




"Yes, you do. Latté pa nga ang paborito mo." I knew because we used to drink coffee together. Nang sabihin ko 'yon ay parang gulat pa siyang marinig kaya ngumiti na lang ako. "O s'ya, mauuna na 'ko sa classroom," paalam ko. Hindi ko na rin inantay pa kung may sasabihin siya at mabilis na lang na tumakbo palabas ng gym.






"So? What happened?" tanong agad ni Jayden nang magkita kami ulit sa labas. "Tinanggap ba niya?" tanong niya ulit na tinanguan ko na lang.





"Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. Oo nga pala, nagsisimula na sila ro'n. Pumasok ka na. Baka pagalitan ka ng team captain mo," asar ko.




"Malakas ako ro'n." Hinampas niya pa ang dibdib niya kaya natawa na lang ako.




"See you na lang mamaya sa practice, Jay." Kaway ko sa kanya saka ako dumiretsong classroom. Saktong nakasalubong ko pa ang coach nila at sakto ring kakarating lang ng unang subject teacher namin.




Kakaupo ko lang din sa tabi ni Keira nang may kumatok na student council, si Debby. "Excuse me po, Ma'am Hadia," aniya sabay ngiti nang mapatingin dito sa pwesto namin.





"Yes, anak?"




"Excuse daw po 'yong mga kasali sa cotillion. Start na po ng practice nila sa auditorium. Diretso na lang daw po ro'n," anunsyo ni Debby na halos ipinagdiwang ng iba sa'min.





"Iiwan niyo na 'ko?" Keira pouted as she watched me and Gabby fixed our things.




"Magkikita pa rin naman tayo mamayang uwian," sabi ko naman sa kanya.





"Hindi ko sure. Baka sabay kami ni Mirko umuwi mamaya." Kibit-balikat niya na lang. Parang bago pa sa pandinig namin ni Gabby 'yon kaya napatingin kami sa isa't-isa.




"Totoo 'yan? Sure kang ikaw 'yong susunduin at hindi 'yong girl best friend niya?" singit ni Gabby, even emphasized the last words.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora