11

132 11 28
                                    

It was 2 a.m. when the whole apartment went quiet except the speakers that we lower the volume that plays slow music now.






Jewel and Debby fell asleep so early because of the alcohol, Keira's back on her phone again after some shots. Siya na rin ang umubos ng tirang alak while Ate Lexi and Gabby started cleaning the whole place.






I wanted to help but they just told me to rest instead. But at this hour, I really can't sleep, knowing some of us are dealing with something heavy to the point that those things won't make them sleep peacefully either. There, I saw Jacqueline, Gian, and Solene at the terrace — feeling the 2 a.m. breeze.






Lumapit ako sa pwesto nila at sinamahan silang pagmasdan ang mga bituin. Nang makatapos din sina Ate Lexi at Gabby ay sumama na rin sila rito sa'min.





Mayamaya ay sumunod na rin si Keira at tumabi sa gilid ni Jaja dahil doon na lang ang may space. Pansin namin agad ang pagkamugto ng mata niya. "How'd it go?" tanong agad ni Solene sa kanya. Umiling lang si Keira ro'n habang malayo ang tingin.






"It's over. You can't fix broken glasses anymore. Kapag pinilit mo pa, masasaktan ka lang." Keira sniffed as she looked at her phone again. "I... I broke up with Mirko because he wants more of me..."






"What do you mean?" Nagtatakang tanong naman ni Jaja sa kanya.





"He wants me to have sex with him as a birthday gift twk days ago which I said no dahil natatakot ako... After that night, when I got home from his party, he asked me for nudes instead." Napatakip ng mukha si Keira nang tuluyan nang maiyak ulit.





"What the fuck?" Napakunot agad ang noo ko. Napalingon din ako sa iba at kita mo agad ang galit sa mga mukha nila.





"What the hell, Keira? Don't tell me you sent some?" Pagtataas ni Ate Lexi ng kilay. Agad na umiling naman si Kei.





"Let it out, Keira. We're here to listen." Hagod ni Solene sa likod nito habang yakap-yakap din siya.






"Natatakot ako kaya hindi ko ginawa ang gusto niya... Hindi pa ako handa sa gano'n..." Humingang malalim siya bago magsalita ulit. "And after those refusals., he cheated on me... One of his friends told me about it kaya ko nalaman..." paliwanag niya muli kaya mas humigpit ang yakap ni Solene sa kanya.






"How old was he again?" tanong ulit ni Ate Lexi.





"He just turned 17," sagot ni Keira sa kanya at nang marinig namin 'yon, napahampas sa pader si Jaja na ikinagulat namin.






"Sayang! Gusto niya ba ng birthday gift? Ayun, kulungan sana! Sana minadali niya na lang din pagiging 18 niya tutal minamadali ka rin naman niya, Keira!" Kulang na lang ay manuntok si Jaja sa sobrang galit.






Hindi na nakapagsalita pa si Keira at mas lalo lang lumakas ang iyak niya. Mayamaya'y narinig namin ang boses nina Debby at Jewel kaya napalingon kami sa pwesto nila.





Takang-taka rin sila kung anong mayroon at bakit humahagulgol si Keira sa balikat ni Solene ngayon. Hindi na kayang magsalita pa ni Kei kaya kami na lang ang nagkwento. Matapos no'n ay pinabasa ni Keira sa'min ang convo nila ng ex niya. Halos sumabog na lang din kami sa galit.






"Literally an asshole!" Napasapo na lang sa noo si Debby at hindi na tinapos ang pagbabasa.






"Putanginang gago! Tumatanggap pa ba siya ng belated gift? Kasi kapag nakita ko 'yan, babasagin ko mukha niyan. Kamao ang deserve niyang regalo," mariin na sabi ni Gian.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now