9

140 12 10
                                    

Nang makababa ako sa coffee shop ay agad kong tinanong si Keira kung bakit sarado 'to sa Sabado. Ang sinagot niya sa'kin ay dahil sarado ang mga pinagkukuhaan nila ng mga products.





Kaya rin out of stock at not available ang iilan sa menu nang tignan ko. Another day at work at hindi ako makapag-focus dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sulat ni Jacob sa'kin.






Sa kakaisip ko tungkol doon, imbis na order ang ilista ko, Saturday ang naisulat ko. Agad kong pinunit 'yon at sumulat sa panibagong page.





"Mitch, ayos ka lang ba?" Hawak ni Debby sa balikat ko kaya napalingon ako agad sa kanya dahil sa gulat. "Kanina ka pa hindi mapakali. Is something wrong?"






"Wala naman. Kinakabahan lang ako ulit."






"Huh? Bakit?"






"Hanggang ngayon kasi naninibago pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagta-trabaho ako ngayon. Medyo hindi pa rin 'ko sanay." Nag-aalangan pa akong tumawa.





Mukhang kumbinsido rin naman siya sa dahilan ko. "Oh... I feel you. Dibale, masasanay din naman tayo kapag tumagal pa tayo rito." She patted my shoulder before serving the tray of food she's holding to the nearest table.





Huminga na lang ako nang malalim, pilit na inaalis ang sulat ni Jacob sa utak ko. Hindi ko maintindihan kung alin ang mas lamang na nararamdaman ko, kung ang kaba ko ba o kilig.





It feels like bees and butterflies in my stomach at the same time. Mahina kong pinalo-palo ang mga pisngi ko bago magpatuloy ulit. Buti na lang at wala pa masyadong tao.




🍁

The usual day of ours, of mine, perhaps. Barista sa umaga, studyante sa hapon. Nang makapunta na kami sa classroom ay magulo pa ang mga kaklase namin, may meeting din daw ang mga teachers kaya walang klase ngayon.





Chance namin nina Keira at Gabby 'yon para matulog saglit dahil wala naman kaming gagawin. Mamaya pa naman ang practice ng cotillion at ang training ni Keira sa taekwondo.





Isa rin 'yon sa dahilan ni Kei kung bakit hindi na siya sumali sa'min ni Gabby sa sayaw. Mayroon silang tournament bago ang araw ng prom.





"Did you got my letter from yesterday?" Payuko na sana ako para matulog nang biglang may tumabi sa'kin.





"You mean the paper boat?" Kinuha ko 'yon sa bulsa ng palda ko at inabot sa kanya na tinanggap niya rin naman.





Ginawa niyang paper hat iyong paper boat na 'yon saka inilagay sa ulo ko kaya napatingin din ako ro'n. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya pero natutuwa ako, kinikilig ako! "Meet you at the front gate on Saturday, 2 p.m. See you, Mitchie." She patted my head before leaving the classroom.






Takang-taka ko siyang nilingon. Nalaglag na rin 'yong paper hat mula sa ulo ko at agad kong kinuha 'yon bago pa hanginin. And what did he just called me? Mitchie? Nickname niya ba 'yon sa'kin?!






Kaunti na lang talaga... Nawala tuloy ang antok ko ro'n! I ended up scrolling through my Twitter account, even tweeted a rose and a ship emoji for this day. My eyes widened when someone liked and replied on it.






@solanagrivera: landi HAHAHAHA SANA ALL MEET UP GAGO






Natawa na lang din ako bago ko siya lingunin at pakyuhan. Akala ko tulog ang gaga. Nabalik lang ang atensyon ko sa Twitter nang magsunod-sunod ang notifications ko rito. Puro reply ng mga kaibigan ko ang laman!






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now