20

168 11 22
                                    

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Napahawak din ako sa noo ko at nakapa ang cool fever. Mayroon ding maligamgam na tubig, bimpo at thermometer sa side table. Takang-taka akong nagpalinga-linga sa paligid at hinahanap si Jacob. Mayamaya'y pumasok na rin siya at may dala-dalang almusal.






"Good morning, Mitchie." Humalik siya sa noo ko nang ipatong niya na rin ang pagkain sa side table.





"Good morning. Okay lang ba ako kagabi?" Nag-aalalang tanong ko. Sa nakikita ko rin sa itsura niya'y parang wala siyang tulog.






"Hindi. Ang taas ng lagnat mo kagabi."






"Hala?! Ilan?!" Napahawak ako sa dalawa kong pisngi para damahin kung mainit pa 'ko pero mukhang hindi naman na. Ibig sabihin ba no'n ay magdamag niya lang akong binantayan?! Kung gano'n ay hindi pwedeng hindi ako babawi sa kanya sa susunod! Deserve niya ng house and lot!





"38.9."





"Gago?" Napaawang ang labi ko.






"Oo, gago. Ang taas." Natawa pa siya sa reaksyon ko. "Habang yakap kita kagabi, napapaso ako. Para akong yumayakap ng maiinit na kaldero sa sobrang init mo."







Wow, kahapon ginawa niya 'kong luya. Ngayon naman mainit na kaldero. Ano na kaya sa sunod? Baka unti-unti ako maging gamit sa bahay nito, ah.





Niyaya ko na lang din siya mag-almusal saka nagkuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. "So, when will your parents are gonna be here?" tanong niya nang malunok niya na rin ang tinapay.






"Kapag natulog ako ulit, nandito na sila." I chuckled. I don't want to make the atmosphere heavy between us. It might ruin the good mood. Napakunot lang ang noo niya dahil hindi niya na-gets kaya diniretso ko na lang ang ibig kong sabihin. "Hiwalay na ang mga magulang ko."






"Oh... Where are they now?"







"Si Papa nasa Pampanga lang at hindi niya alam na may sakit ako ngayon. Wala na rin akong balak sabihin sa kanya dahil masyado na siyang abala ro'n. Ayokong dumagdag sa mga iisipin niya. Saka nakakaya ko namang i-survive ang sarili ko."






"But still, you need company with you."





"Hmm." Tumango-tango ako. "Narito ka naman. Okay na sa'kin 'yon."





Napangiti naman siya sa sinabi ko at pinahiga ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakbay siya sa'kin, hinahaplos pa ang buhok ko. "How 'bout your mom?" tanong niya ulit.






"Literal na humiwalay na kay Papa pati sa'kin." I laughed a little para hindi naman masyadong malungkot pakinggan. "What do you mean?" Mas lalong napakunot ang noo niya nang magkatinginan kami ulit.






"She died in sickness and after that, my younger brother committed suicide. He got depressed, he didn't know what to do after losing her. I did my best to take care of him. I was always there for him as every sister should do. But I guess those weren't enough to make him stay here in this world. Halos ikamatay ko na lang din ang pagkawala nilang dalawa pero inisip ko 'yong mga maiiwan ko rito no'n. Si Gabby... Ang mga kaibigan ko... Ang pangarap ko..."







Napayuko ako saglit, naalala ang sitwasyon ng sarili ko noon bago ko ibaling ulit ang atensyon sa kanya. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin sa'kin matapos kong magkwento.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon