27

38 3 0
                                    

"Have a good night." Ngumiti siya sa'kin nang makatapos na rin siyang magsintas ng sapatos niya. I tiptoed to reach him to give him a hug. "Thank you... sa lahat..." I whispered, trying to hold back my tears while he's patting my head.




"You will always have me."



"Pinky swear?" I raised my pinky finger so did he. "And cross my heart," aniya nang yakapin ko siya ulit. Matapos no'n ay sinara ko na rin ang pinto.




Agad din naman akong sumilip sa bintana, pinagmamasdan siyang maglakad papunta sa sasakyan niya. Tumigil pa siya saglit para kumaway sa'kin at gano'n din ang ginawa ko. Saka lang ako nakahiga nang makita kong maayos na siyang nakaalis.




That night went so well. Birthdays, family and friends... Jayden and I... We had a very clear communication about things... Nanatili kaming magkaibigan.



Wala namang kaylangang magbago dahil parehas naming naiintindihan ang lahat ng mga kaylangan naming intindihin. Lumipas nga lang ang mga araw na wala kaming usap dahil umuwi kaming Pampanga ni Papa para bisitihan sila Tita Maricelle.




🍁

"Happy graduation, girls!" Bati agad ni Jayden nang makita kaming magkakaibigan na papunta sa kanya. Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti namin nang makita naming narito rin sila Ate Lexi at Solene.




Mayamaya'y isa-isa na kaming binigyan ni Jayden ng bouquet at pinicturan. Matapos no'n ay naisipan na rin naming bumalik sa hall dahil two minutes na lang ay magsisimula na ang ceremony.





"Mitch! Kamusta sa Pampanga? Ayos ba? Nanganak na ba ang mama mo? Patingin ng kapatid mo!" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Jayden habang naglalakad.



"Gago, saglit! Isa-isa lang naman! Saka kumalma ka! Hindi pa iniire ni Tita Maricelle ang kapatid ko!"



"P'wede ba 'ko mag-ninong?"






"Baka taguan mo lang kapatid ko 'pag pasko. 'Wag na."





"Bigyan ko pa ng bahay at lupa 'yan."





"Gusto ko rin maging inaanak mo."




"Hindi ka na bata."




"Favoritism 'to!" Hampas ko sa braso niya sabay kamot niya ro'n. "So, kamusta ka nga sa Pampanga?" Pag-iiba na rin niya ng usapan namin. Muntik ko pang makalimutang sagutin 'yon kung hindi niya pa itinanong ulit.




"Ayos lang naman. Ngayon ko na lang ulit naramdaman na magaan ang pagtapak ko ro'n. Naging masaya ako doon..." Ngiti ko habang inaalala ang mga naging ganap namin ni Papa doon kasama sila Tita.





Parang tatlong araw ngang may fiesta ro'n dahil sa pagdating namin. Gumala rin kaming tatlo. At habang kasama ko sila ay naramdaman kong para kaming isang buong pamilya ulit...



Natahimik saglit ang paligid namin kaya nag-isip na agad ako ng panibagong pag-uusapan. Naalala ko si Jacob kaya natanong ko kung kamusta na sila. Sa sobrang tagal ko nang umiiwas sa kanya ay wala na akong naririnig na kahit ano tubgkol sa kanya.

Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon