6

166 13 29
                                    

The usual nights, mag-isa na lang akong naglalakad ulit dahil naghiwa-hiwalay na kami ng daan. As on my walk, I saw two people my age walking in front of me. Medyo malayo ang pwesto nila sa'kin pero tanaw ko pa rin sila.







Iyong isa ay nakasuot ng jersey, iyong isa naman ay naka-puting t-shirt pero suot pa rin ang palda ng cheering uniform. Napatigil ako agad nang mapagtanto ko kung sino ang mga 'yon. Malapit na 'ko sa apartment ko pero hindi ako tumuloy agad doon at sinundan sila ng liko.

   

   



Ngayon ko lang nalaman na magkalapit lang pala kami ng lugar ni Chesca. Kaya rin siguro madalas ko siyang makasabay sa paglalakad noon. Nakita kong inabot na ni Jacob ang gamit niya sa kanya.






Napaawang na lang ang labi ko nang makitang lumapit si Chesca sa kanya. As in sobrang lapit na kulang na lang ay maghalikan sila. Hindi ko na hinintay pang makita ang susunod na mangyayari at tumakbo na lang paalis doon.






🍁

Ibinagsak ko agad ang sarili ko sa sofa nang makarating na rin ako sa apartment. Tinanggal ko na rin ang necktie ko saka ko lang din naalala na suot ko pa nga pala ang polo niya.






"Who am I fooling?" I sighed as I looked at myself in the mirror. Hinubad ko na lang din ang polo niya saka ako nagpalit ng damit ko. Naisipan ko na ring labhan 'yon, padabog pa dahil sa nakita ko kanina.







Para pakalmahin ang sarili ay naglaro muna ako ng bubbles gamit lang ang kamay ko at 'yong sabon na panlaba nang biglang mag-on ang screen ng phone ko.







Tinignan ko rin naman 'yon at napatigil nang makita ko ang pangalan niya. Where the heck did he get my number? Hindi niya ba 'yon binura sa contacts niya?






From: JH
Hey, wassup?






"Anong wassup? Wassup mo mukha mo. Do'n ka kay Chesca, 'ina mo." Umirap pa ako at nagpatuloy ulit sa paglalaro ko nang tumunog na naman ulit ang phone ko. Hindi ko pinansin 'yon pero nang magsunod-sunod na ay saka lang ako nag-punas ng kamay para hawakan iyon.






From: JH
This is Jacob






From: JH
Are u still up?






From: JH
Are you doing homework rn?





From: JH
Bukas pa ilaw ng kwarto mo





Napakunot ang noo ko nang mabasa ko 'yon. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, as if na nandito nga siya. Hindi niya naman ako tinatakot, 'no? Ibababa ko na lang sana ulit ang phone ko nang mag-text na naman siya. Napaawang na lang ang labi ko.






From: JH
Im outside your apartment





"Gago?" Napatayo ako agad at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko na rin ang oras, malapit na mag 10 p.m. pero nandito pa rin siya sa labas!






Sumilip muna ako sa bintana para tignan kung totoo ngang nando'n siya sa baba at hindi nga siya nagbibiro! May lalaking naka-jersey nga ro'n!






From: JH
Pwede ba kong umakyat jan saglit?





Basa ko ulit sa text niya nang kunin ko na ang phone ko.





To: JH
Makalat ang apartment ko






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now