25

77 3 3
                                    

Jacob Vergara
🐚

"Nakakalimutan mo yatang ito na lang ang natatanging paraan para ipasa ang subject ko, Mr. Vergara. Kung hindi mo gagawin, hindi ka ga-graduate, No signing of your clearance," Ms. Jesyl said as she finished checking the students' outputs for her subject.





Kating-kati na rin akong lumabas ng faculty niya. Bagsak ako sa Mapeh dahil hindi ako gumagawa ng performance task lalo na kapag sayaw. Hindi lang naman ako ang bagsak, marami kami at halos lalaki.






And now, some subject teachers are requiring the students to attend the prom for it will be their project for the last quarter. Sa freshmen at sophomores naman ay field trip.






"Look, you only have two options here, Jacob. Join or bagsak. If you fail, you'll repeat 4th year."






Napasandal na lang ako lalo sa kinauupuan ko at bumuntong-hininga habang tinitignan ang mga outputs na katatapos lang niya tsekan. Nakiusap pa ako ulit kung pwedeng painting na lang ang gawin ko para makapasa pero ayaw talaga.






"It's the school's word, Jacob. Kagaya niyo, may kaylangan din kaming sundin, may mga kaylangan din kaming ipasa."





Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng faculty dahil may pumasok na student. I thought it was my chance to leave the room when Ms. Jesyl called out my name again to introduce me to the girl on my right side.





Nang magtama ang paningin namin ay mukhang gulat na gulat pa siya na para bang multo ako sa harap niya ngayon. Natatandaan ko naman siya. Siya 'yong kaklase naming isinugod sa ospital last year. Matapos no'n ay hindi na siya pumasok ulit. I heard she was homeschooled.




🐚

"Naiwan mo sa faculty." Imabot sa'kin ng babae kanina sa faculty ang sketchbook ko. I started walking away after I got when she called for my attention again. Hindi ko alam kung anong gusto niya sa'kin o sadyang trip niya lang talaga akong inisin.






"I don't choose you, Mitch." I looked straight at her, waiting for her another response. Saka lang ako nakaalis sa harapan niya nang tawagin na ako ng mga kaibigan ko para sa flag retreat. I left her dumbfounded.




🐚

Tumayo ako sa gilid ni Jayden at nanahimik doon, nagtitingin-tingin sa mga magugulong studyante. Nagtatawanan din ang mga kaibigan ko sa gilid pero hindi ko muna sila pinapansin.







Hanggang sa makita ko ulit si Mitch kasama ang mga kaibigan niya. They've been trying to find a perfect spot to stand. Nakita ko silang papunta rito pero agad ding lumiko sa kung saan nang magtama ulit ang paningin namin.





Is she trying to avoid me now?





Nang makabalik sa classroom ay parang hindi ako makahinga nang makitang sa harapan ko si Mitch nakaupo. "Fuck my life..." I whispered to myself, massaging the bridge of my nose.




Nagpa-quiz din ang teacher namin matapos ang kaunting review. Nahulog pa ni Mitch ang ballpen niya. Pansin ko ring parang kanina pa siya natataranta d'yan sa kinauupuan niya. Nagtaka ako kung bakit hindi niya rin pinulot ang ballpen at dumukot na lang ulit sa bag niya ng panibago.





Hm, attentive sa klase pero tamad kunin ang nahulog na gamit.





Napailing-iling na lang ako at yumuko para abutin 'yon at isaoli sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya tinapik ko siya sa balikat niya gamit 'yon. I even cleared my throat to get her attention. "Miss, your pen." At sa wakas ay kinuha niya na rin pero nakatalikod pa rin siya sa'kin.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon