30

51 2 4
                                    

It's around seven in the morning and I've been feeling the sun on my skin together with my brother, Matthew. Pinag-almusal ko muna si Tita dahil kaylangan niya 'yon para magkagatas siya kaya ako muna ang nagpaaraw sa kapatid ko.






Nasa tapat kami ngayon ng shop at saktong naabutan kami ni Keira ritong nagpapaaraw. Pagkababa pa lang niya ng kotse ay dali-dali na siyang tumakbo para yumakap sa'min.  "Ang pogi naman sobra ng bebe na 'yan!" Dahan-dahan siyang humalik sa ulo ni Matthew.








"Ako? Wala akong kiss?" Putol ko sa kanya habang inaamoy-amoy niya ang buhok ng kapatid ko.







"Bakit, baby ka ba?" she raised a brow, obviously teasing me. "Baby damulag ka na. May bago na kaming rason kapag pupunta kami sa apartment niyo!" Malakas siyang tumawa. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil baka mabitawan ko ang kapatid ko. Ang swerte niya dahil hindi ko siya mahampas ngayon.






Mayamaya'y nakita na rin naming dumating na ang iba pa naming kaibigan. Imbis na dumiretso sa coffee shop ay na-stranded ang lahat dito sa harap ng kapatid ko. Nakapalibot pa. Para tuloy kaming artista.






"Uy, nandito pala ang mga anak ko! Nag-almusal na ba kayo, mga ija?" bati sa kanila ni Papa nang makababa na siya ng apartment. Bumeso rin sila kay Tita nang makita nila itong kasama ni Papa.






Sa madalas na pagdalaw nila rito para tulungan kaming magbantay ni Tita Maricelle, kaunti na lang talaga ay malapit na silang ampunin ng mag-asawa. Nagpaalam na si Papa na mauuna na sa trabaho. Kinuha na rin ni Tita sa'kin si Matthew para padedehin.






Saka ako sumunod sa mga kaibigan ko sa loob ng shop pagkatapos. At dahil wala pa namang tao, nagpalamig na muna ako. Simula rin nang manganak si Tita Maricelle ay umalis na ako rito para matulungan ko siya sa pagbabantay sa kapatid ko.






Ayaw ko sana dahil sayang din but they really did insist, especially my Dad. He wanted me to focus on my reviewers for the upcoming entrance exam for the university I applied for college. Matagal pa naman 'yon pero gusto ni Papa ay handa ako.






"Wow, sarap ng buhay mo, ah? Ano pong maipaglilingkod namin sa'yo, kamahalan?" asar sa'kin ni Gabby nang lumapit siya rito sa pwesto ko.






"Gusto ko ng kape at masahe. Masakit na masyado ang likod ko. Salamat, alipin," pagpatol ko sa sinabi niya. Natawa lang kami parehas at mahina niyang nginudngod sa'kin ang tissue na hawak niya bago bumalik sa staff room.






Matagal na rin akong connected sa wifi rito kaya naisipan ko na lang munang mag-phone nang biglang may yumakap sa'kin mula sa likod. "Yey! May kasama na ako tumambay dito!" ani Solene. Agad din naman siyang naupo sa kabilang side, magkaharapan kami.







Lumapit sa amin si Debby para ilapag ang dalawang hot choco sa mesa. May kasama pa iyong dalawang banana cupcakes na paborito ni Sol. "Libre ko na."





"Ang bait naman ng crew dito. Sana ganito palagi tuwing natambay ako para 'di ako nabo-broke," sabi ni Solene nang isandal niya ang sarili saka ininuman na ang hot choco niya. Mahina naman siyang hinampas ni Debby ng tray na hawak nito habang natatawa.






Nang makita naming may customer nang pumasok ulit ay bumalik na siya sa counter para magtrabaho. Naiwan na kami ulit ni Solene at ang aga-aga pa lang ay ang dami na niya agad na chika. Hindi ko tuloy kung saan ako mabubusog, kung sa kwento niya ba o sa kinakain ko.







"Anyway, nakapag-exam ka na ba sa university na papasukan mo?" pag-iiba na niya ng topic. Umiling lang muna ako dahil nginunguya ko pa ang cupcake. Nang malunok ko na ay saka na ako nagsalita.







Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now