24

58 2 4
                                    

Napabuntong-hininga na lang din siya nang makaupo na rin siya sa tabi ko. "Kaya mo pa ba?" she looked at me worriedly. Nang tanungin ni Gab 'yon ay napayakap na lang ako sa mga tuhod ko at yumuko, hinahayaang bumagsak lahat ng luha.





"Hindi... Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko 'to kakayanin..." Nahihirapan kong sabi.





"Ano na'ng balak mo?" Sumandal na rin siya sa oven na nasa likuran lang namin. Pinunasan ko na ang pisngi ko at pilit na pinapatahan ang sarili. "Lumayo..." Nanghihina kong sambit ulit. "Iyon na lang ang huling option ko, eh..."





Mas okay na rin 'yon. Wala rin naman kaming patutunguhan parehas. Para na lang akong tanga na pinipilit na magiging maayos pa ang lahat kahit hindi naman na talaga... Natatakot na rin akong masanay ulit na nandyan siya tapos sa huli masasaktan na naman ako. At ito na 'yon. Nangyayari ulit...



🍁

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na siya pinansin. Sinusubukan niya 'kong lapitan kapag nasa school kami pero mabilis lang akong umiiwas. Minsan ay harap-harapan ko na rin siyang itinataboy.





Nagtatago rin ako kapag hinahanap niya 'ko sa coffee shop o sa apartment. Palagi siyang tumatawag pero hindi ko sinasagot. Minsan doon ako kanila Gabby tumutuloy. Nakakaya ko na. Nakakaya ko na ulit na wala siya...




🍁

Matapos ang mga pending na schoolworks, dumiretso akong library para doon magpahinga dahil tahimik ang paligid. Ngayon na lang ako ulit nakapunta rito.




Kapag kasama ko kasi ang mga kaibigan ko ay palaging kainan ang pinupuntahan namin. Kung hindi naman gano'n ay sa apartment ko naman ang bagsak nilang lahat. Happy place daw nila 'yon.






Walang katao-tao kaya mabilis ko lang din natapos ang binabasa ko. Hindi ako nadi-distract ng ingay. Pumunta na rin ako sa bandang dulo para ibalik doon ang libro nang may marinig akong mga pamilyar na boses.





Lumapit pa ako kaunti para sumilip at nakita silang may pinagtatalunan. Napairap na lang ako at napagdesisyunan nang umalis na lang nang bigla kong marinig ang pangalan ko.




Nakatigil lang ako sa pwesto ko habang pinapakinggan ang pinag-aawayan nila. Biglang nanakit ang dibdib ko nang marinig kong banggitin nila ang salitang "deal".






"Look at me, Jacob! Hindi pa ba sapat ang ginawa ng mga kaibigan ni Michelle sa'kin?! She deserves every pain the world can give. Including the pain she'll receive from you! That's her karma for this!"







Natahimik saglit lang ang paligid ulit kaya naman dahan-dahan akong sumilip ulit doon. "And hey, I heard you really like me and sorry for rejecting you once." Chesca's voice started to sound so flirty. "I hope you can still accept my apology." She tapped her lips, trying to seduce him. "By doing this."







Napahigpit ang hawak ko lalo sa libro nang makita kong hinalikan siya ni Chesca. Nagsimula na ring manglambot ang mga tuhod ko. Sandali akong nakatulala ro'n hanggang sa marinig ko ang kalabog ng librong hawak ko kanina. Ang tagal nilang magkadakit.






Nang makabalik na 'ko sa wisyo dahil sa ingay ng nalaglag ko ay tumakbo ako agad palabas ng library. Hindi ko na rin masyadong makita ang daan dahil sa luha kong sunod-sunod nang bumabagsak.






Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hinahayaan na lang kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Nagsi-uwian na rin naman ang ibang mga studyante kaya wala nang nakakakita sa'kin na ganito ang itsura.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now