18

105 7 17
                                    

Days passed and our cheerleading practices finally starts. Madalas na kaming tao sa gym lalo na kapag gabi dahil 6:30 — uwian namin — nagsisimula kaming magpractice. Dalawang araw na ring nananakit ang katawan naming tatlo nina Keira at Gab dahil sa mga warm-ups na ginawa namin no'ng isang araw.





"Ah! Ang sakit ng legs ko," reklamo ni Gabby nang makaupo na siya sa sofa. "Para akong na-virginan. Hindi ako makalakad nang maayos!" dagdag niya pa.





Maaga rin siyang pumunta rito sa apartment. Parang hindi niya rin daw kasi kakayanin maglakad nang maglakad dahil sa sakit ng katawan. Dala-dala niya na rin ang gamit niya para sa pagpasok mamaya.





Inabutan ko na rin siya ng salonpas bago ko ilapag ang almusal namin sa maliit na table. Mayamaya lang din ay may kumatok at agad din naming pinagbuksan 'yon. Hindi na rin naman bago sa'kin ito: "Patambay!" sabay-sabay nilang sambit.




"Sabi ko nga..." bulong ko sa sarili ko habang natatawang pinagmamasdan silang pumasok. Dala-dala na rin nila ang mga gamit nila sa school.





Buti pala at marami akong nilutong almusal kahit dalawa lang kami ni Gabby kanina. Nako, nagkaroon na naman ako ng mga anak dito sa apartment ngayon. Nagpaparamihan pa sila ng salonpas sa katawan nila.




Hindi na rin kami nagtagal sa pagkain at hinintay na lang nila ako matapos mag-ayos ng sarili. Sabay-sabay na rin kaming bumaba sa coffee shop. Hinayaan ko na rin munang maglibang dito si Solene dahil siya lang ang maiiwan.




Pwede rin naman siyang tumambay doon sa baba kahit kailan niya gusto. "Puntahan mo lang kami kapag may problema," bilin ni Jaja sa kanya bago niya tuluyang isara ang pinto.



🍁

Nagsimula na kami sa trabaho. Kung kumilos din kami ngayon ay parang hindi masakit ang mga katawan namin dahil sa practice. Mayamaya'y nakita  kong pumasok si Solene ng shop.





"Dito na lang pala ako tatambay. Natatakot ako mag-isa ro'n sa apartment mo," sabi niya nang siya na ang nasa tapat ko para umorder.





"Umaga naman, ah?" sagot ko rin sa kanya matapos kong ayusin ang  coffee jelly at donut na madalas niyang binibili.





"Malay mo may morning shift ang ibang mga multo. May ibang nakakakita ng multo sa umaga, 'no."





Matapos niyang magbayad ay akala ko aalis na siya at hahanap ng table pero nagtaka ako nang sumandal pa siya sa counter na akala mo nasa canteen lang siya kumakain. Nakalimutan niya yatang naka-duty pa kami. "Uy." Tapik ko sa kanya.





"Bakit?"




"Gagi ka, umusog ka na d'yan. May oorder pa. May pila sa likod mo."






Napatigil siya sa pag-inom nang ma-realize niya rin. "Ay gagi, sorry!" Agad din naman siyang umalis sa kinatatayuan niya saka siya napatingin sa kasunod niyang tao.





"Uy, Kuya!" Napalingon din ako agad at tumambad si Jacob. Hindi ko napansin na siya na pala ang susunod na customer. "At asungot ni Kuya." Saka sumipsip ulit ng inumin si Solene matapos niyang sabihin 'yon.





I was shocked that she didn't even hesitate to say that in front of Chesca who's only beside Jacob. She even smirked before leaving them in line and went straight to a table for two.





"That bitch..." Susundan pa sana ni Chesca si Solene doon nang hawakan siya agad ni Jacob sa braso. "Bitawan mo nga 'ko. I-order mo na tayo bago masira araw ko," sambit niya pa. Palipat-lipat lang din ang tingin ko sa kanilang dalawa.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now