15

127 8 26
                                    

"Sayaw na tayo!" Yaya na rin ni Solene nang hilahin siya ni Jaja. Kung si Gian ay pagkain ang pinakahinihintay, sila naman ay ang sayawan. Party songs pa naman ang pinapatugtog kaya nasa dance floor kaming lahat.





"All I do is win win win no matter what! Got money on my mind!" Sabay namin sa tugtog. Nangingibabaw pa ang boses nina Jaja at Gian habang kinakanta 'yon.






"I can never get enough! And every time I step up in the buildin'! Everybody hands go up..." Biglang tinigil ng DJ ang music. "PUTO MASARAP!" sabay-sabay sambit ng lahat ng studyanteng nasa hall.





Hindi namin pwedeng isigaw ang 'word' na 'yon dahil may mga teachers sa paligid. Baka sipain kaming lahat palabas ng venue kapag ginawa namin 'yon. Hanggang classroom lang namin 'yon nasasabi kapag naiisipan namin mag-jamming minsan.






May mga kpop songs din na piniplay na sinasabayan nina Gabby, Debby, Jewel at Solene. Hindi ko nga malaman kung kumakanta pa ba sila o nagtatawag na ng masamang elemento dahil kung ano-ano na lang ang lyrics nila.






Si Keira ay naghubad na ng heels niya. Even Solene's long gown turned into a pretty cocktail dress. Si Debby at Jewel ay walang kahirap-hirap sa suot nila kahit mahahaba rin. Si Gabby ay pawis na pawis na rin.






Minsanan pa siyang nawawala sa paningin ko at makikita ko na lang na nakiki-party na siya sa ibang section. My god! I thought Solene's the only social butterfly here! Si Gian naman ay bumalik pa sa helera ng mga pagkain para kumuha ng ice cream saka pumarty ulit.




🍁

Mayamaya'y dumating si Jayden at nakisali sa kaguluhan namin. "Tangina! Ang init din pala rito!" Pawis na pawis din siya. "Siraulong Gabrielle 'to! Sabi mahangin daw dito banda!" sambit niya pa muli nang makita niyang bumalik na si Gabby rito sa pwesto namin.






"Mahangin nga! Nandito ka na, eh!" sambit naman ni Gab.





"Pakyu!"



"Pakyu rin, Jayden!"





"Pakyu kayong dalawa!" Tumawa na lang din ako saka ko nailipat ang atensyon ko kina Debby at Jewel na tinatawag kami.







Naka-pila na sila ro'n na parang train. Kami na lang daw ang kulang at aalis na. Hinila ako agad ni Gabby papunta ro'n saka ako humawak sa bewang niya. Nasa likuran ko naman si Jayden at nakahawak din sa bewang ko.






"Go na, Gi!" Sigaw ni Keira kay Gian dahil siya ang nasa pinakaunahan. Umandar na rin kami.







Siyam lang kami no'ng una pero nadagdagan iyon nang nadagdagan nang makita kami ng ibang mga kakilala namin. Iyong iba naman ay kahit hindi kilala, inaalok pa rin nina Jayden at Gian ang mga 'yon na akala mo nagtatawag lang ng pasahero sa jeep.







"Oh, kasya pa sampu!" sambit ni Jayden nang maglapitan ang mga kaklase namin. "Ate! Hatid mo raw 'to sa crush niya!" sabi niya pa kay Gian habang tinuturo ang isang kaklase namin.







Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now