26

50 2 2
                                    

Michelle Morales
🍁


Nang makarating na ng Manila si Papa ay agad kaming niyaya ni Gabby na mag-mall date kasama rin ang papa niya. Sakto lang din dahil no'ng nakaraan pa kami naghahanap ng susuotin para sa graduation. Nagliwaliw na rin kami, naglaro ng arcade, bumili ng graduation gifts para sa mga kaibigan namin at kumain na rin sa napagkasunduang restaurant.





Sila Papa ang nag-asikaso ng pagkain at kami naman ni Gab ang naghanap ng mauupuan. Tinuro niya 'ko ro'n malapit banda kung nasaan ang aircon. Iyon na lang din ang bakanteng nakita namin. Sa gilid namin ay mayroong mga pictures kaya pinagmasdan muna naming dalawa 'yon habang naghihintay.





"Nakita ko na tatay ko! Hindi nga siya nagjo-joke! Ang gwapo nga niya dati!" Turo ni Gabby doon.





Katabi niya ay si Papa, parehas silang may hawak na kaldero at nakataas 'yon. Nakasungay pa ang Papa ko sa likod ng ulo ni Tito Gerial. Sa restaurant na rin 'to sila nagkakilalang dalawa noong kabataan pa nila. Sabay silang nagtrabaho at sabay din silang nakahanap ng mamahalin nila. Dito lang din sa lugar na 'to...





Napangiti ako nang malipat ko ang tingin sa isa pang frame, mayroong solo picture doon ni Papa at may nakalagay sa baba na "employee of the month". Mula noon hanggang ngayon, napakapursigido pa rin niya...



Mayamaya'y nakarating na rin sila Tito at inilapag ang pagkain namin. Para pa rin silang binata ni Papa mag-asaran. Naging masaya ang date namin hanggang sa makauwi na lang din kami.




🍁

"Kamusta naman po sa Pampanga?" tanong ko para mawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung pagod lang ba kami o parehas lang din kaming nahihiya sa isa't-isa ngayon.




"Maayos naman, anak. May nahanap na rin akong mas magandang trabaho at mas malaki ang sahod. Mas mapaghahandaan natin ang kolehiyo mo."




Ngumiti siya sa'kin saglit saka nagpatuloy na sa pagtutupi ng mga damit niya. Napaupo ako saglit, pinagmamasdan siya. Kitang-kita ko kung gaano na siya kapagod sa trabaho. Pero kahit na gano'n, alam kong masaya na siya ro'n.




Mayroon na ring nagpapasaya sa kanya doon...





"E, si Tita Maricelle po? Kamusta naman po kayo?" Saka lang siya napatigil at naupo rin sa tabi ko. Huminga siya ng malalim at kinuha ang kamay ko para hawakan, halatang kinakabahan sa sasabihin sa'kin.






"Kung ano mang magiging reaksyon mo, maiintindihan ko... Pero kahit anong mangyari hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo, Michelle."




"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Hindi niya 'ko sinagot bagkus may kinuha siya saglit sa maleta niya na maliit na box at inabot sa'kin. He gestured me to open it so I did. Napakurap-kurap ako nang kunin ko ang isang pregnancy test doon, sa gilid no'n ay may blue ribbon pa. "May... May kapatid po ako?!"





Tumango si Papa sa'kin saka ko siya niyakap ng mahigpit. "Nanganak na po ba? Kailan ko po siya pwedeng makita?" Malapad akong ngumiti sa kanya, assuring him that I'm not mad or anything but beyond happy for him... For them... Wala rin naman akong nakikitang rason para magalit sa kanya dahil kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan kahit na naging magkalayo kami.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon