2

220 17 62
                                    

"Nag-apply ka sa coffee shop?!" Halos mabingi ako sa boses ni Keira. Nagising ko rin yata ang buong diwa niya. Alas sais pa lang ng umaga ay bumyahe na 'ko papunta sa rito sa kanila para sabihing gusto ko mag-apply sa coffee shop nila.




Hindi ko agad ipinasa sa mga kuya niya ang résumé ko dahil gusto kong ipaalam muna kay Kei. Ayoko rin naman siyang gulatin na naroon na 'ko. Magagalit siya sa'kin lalo pa't alam niya ang kalagayan ko.





"Mitch, coffee shop 'yon hindi call center na madalas nakaupo ka lang at sasagot ng tawag. Magalaw ang trabahong gusto mong pasukan," paliwanag pa ni Keira nang isandal niya ulit ang sarili niya't nagbalot ng kumot dahil bukas pa ang aircon.





"I know. Handa naman ako ro'n, Kei. Please? Payagan mo na 'ko. Para rin 'to sa upcoming college. Ayokong umasa lang sa Papa ko."





"Pero paano ang sakit mo? Hindi ba't bawal ang sobrang pagod sa isang epileptic?"





"Kakayanin ko, Keira. Please? Promise I'll be a very good barista!" Pinagsama ko pa ang mga kamay ko na parang nagdadasal.






Matagal niya muna akong tinignan saka siya napahilamos ng mukha niya. "Bakit ba sobrang sipag mong tao?" Napabuntong-hininga pa siya. "Fine, you can work at the coffee shop but," she paused but before continuing her next words, her eldest brother, Kean, suddenly knocked.





"Keira, your friends are here," sabi ng kuya niya mula sa labas.





Nagkatinginan pa kami ni Keira at nagtataka kung bakit naman sila nandito ng ganitong oras. Alam din namin na hindi naman sila maaga nagigising kung hindi naman importante. Sinilip pa 'yon ni Keira at gulat siyang naroon nga silang lahat sa sala. Wala lang sina Ate Lexi, Jewel, at Solene.






"Bakit sila nandito?!" mahinang sambit ni Keira sa kuya niya.






"They wanted to apply."





"Apply?!"





"Hmm-mm. Coffee shop."






"Gago?!" Napatakip agad siya ng bibig niya at saktong paalis na rin ang kuya niya nang lingunin siya ulit nito dahil narinig ang sinabi niya. "S-sorry! Nabigla lang ako!"





"You're not informed they'll come?"





"Hindi!" Napatingin pa si Keira sa'kin. Alanganin lang akong ngumiti sa kaniya dahil kahit ako ay hindi rin sinabihan si Keira na pupunta ako ngayon. Sinadya kong biglain para matuloy. "Pakisabi hintayin na lang ako sa baba. Magbibihis lang ako."






"Okay. Breakfast's ready. Love you."





"Kadiri, Kuya."





Tinawanan lang siya ng kuya niya saka tuluyan na ring isinara ulit ang pinto ng kwarto. "Gago talaga kayo!" Mahina niyang hila sa dulo ng buhok ko na tinawanan ko lang.




Humingang malalim siya bago kumuha ng unan at iniharang sa dibdib niya. Hindi rin naman 'yon nagtagal at hinagis niya rin kaya nagtaka ako. "Wala rin namang makikita," sabi niya sabay silip sa dibdib niya.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now