28

48 2 0
                                    

It's been one week since I received that letter. Minsanan ko na ring naabutan si Jacob na nakatambay dito pero hindi ko na lang pinapansin. Hindi ko mawari kung dahil pa rin ba 'to sa galit o nahihiya na lang ako at natatakot.




Nakakaya ko na, eh. Nakakaya ko na ang wala siya. Natatakot lang ako dahil baka sa oras na mag-usap kami ulit ay matalo na naman ako...




🍁

"Magiging maayos ka ba rito, anak?" tanong ni Papa matapos niyang mag-impake ng mga kaylangan niyang dalhin pauwing Pampanga. Nag-usap na rin kami tungkol sa paglipat nila rito. Wala namang problema sa'kin 'yon. Mas gusto ko nga rin 'yon dahil magiging magkasama na kami nila Papa.




Malapit na ring manganak si Tita Maricelle kaya ni-recommend namin ni Solene sa kanya ang malapit na ospital dito. Mayroon ring kakilalang doktor ang kaibigan ko ro'n at mukhang hindi na kami mahihirapan.




"Hindi naman po ako magiging mag-isa dito, Pa. Mag-oovernight din po si Gabby dito kaya may kasama ako." Malapad akong ngumiti, assuring him that everything will be fine.





"Sana hindi gano'n katagal ang byahe bukas para makauwi kami agad dito at makapagpahinga rin ang Tita mo."





"At ikaw rin po, Papa." Sabay halik ko sa pisngi niya. "O sige na po. Habang maaga pa para hindi gaanong traffic. Mag-iingat po kayo, ha?"





Humalik na rin sa noo ko si Papa at tuluyan nang umalis. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong dumiretsong kusina para maghanda ng meryenda namin ni Gab.





Tatawagan ko pa sana siya pero saktong narinig ko na rin ang katok niya sa pinto. Napatingin din naman ako agad sa dala-dala niya. "Grabe, bakit maleta na naman 'yang dala mo? Para kang may swimming kinabukasan, ah!"





"Ano ka ba? Alam mo namang girl scout ako. Malay mo isang buwan ako rito. O e 'di marami pa akong susuotin. Masipag naman ako maglaba!" Taas ng energy niya. Pagkapasok niya ay saka ko inihain ang niluto ko sa coffee table at nanood ng kdrama.




Lumipas ang oras at nakailang episodes kami sa isang upuan lang. Naka two rounds pa kami ng meryenda hanggang sa mapagdesisyunan na naming magmuni-muni.




We talked about random things and laugh like there's no tomorrow for us. Papapuntahin pa sana namin ang mga kaibigan namin kaso mga cannot be reach lahat.





🍁

It's already 10 p.m. Gabby's already taking a shower while I'm making our beds. Sa sala kami matutulog dahil baka maisipan pa naming manood ulit. Mayamaya ay nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha 'yon.





I was kind of a disappointed to see that it was just some random notification from Facebook. Nahiga na lang din ako at nagsimulang magbasa-basa ng convo.





To: JH
I miss you... :)





That was just in my message draft and I have no plans on sending it. Imbis na tumambay doon ay nag-view na lang ako sa Instagram stories ko, tinitignan din kung naka-view ba siya ro'n pero wala rin.




I checked his account and we're still following each other. Napabuntong-hininga na lang ako ulit nang kunin ko ang letter niya sa bag ko at muling binasa ang huling nakasulat doon.





"Missing him that much?" ani Gabby nang makalabas na rin siya ng banyo at tumabi sa'kin. Ang lamig din ng balat niya dahil bagong ligo.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now