14

112 9 10
                                    

Finally, the day for our prom came. Everyone's already in their gowns. Hair and makeups are done and they are all ready to go while I'm still stuck in my room for hours, staring at the gown he gave me.






First time ko rin 'tong magsusuot ng ganito. Never ko siyang sinukat kaya kinakabahan ako dahil baka hindi bumagay o kasya sa'kin. Good thing, my friends are here to help me fix myself for the prom.






"Paanong gusto mong ayos sa hair mo? Naka-bun or lugay lang with curls? Pero pwede rin namang straight na lugay lang din tutal maganda rin naman 'yon sa mahabang buhok," sabi ni Solene nang ipakita niya sa'kin ang automatic na curler niya at plantsa sa buhok. May mga panali at clips din siyang pinakita sa'kin. This girl is really a walking salon.







"Sa tingin ko mas bagay sa kanya ang naka-bun," sabi naman ni Jaja habang pinagmamasdan din ako. "Oo tama! Mas bagay sa look mo! Para kita rin 'yong collar bones mo. Oh, pak!" She snapped her fingers.






Agree naman si Solene doon kaya gano'n ang ginawa niyang ayos sa'kin. Nang makatapos siya ay saka ako inasikaso ni Jaja sa damit ko. Solene left the room and waited patiently at the sala with the others for me and Jaja to be finish.






Hindi naman kami nagtagal ni Jacqueline sa pagsuot ng gown. Nauna na rin siyang lumabas ng kwarto habang nagsusuot ako ng heels ko. "All the pretty ladies in the world! Here comes our royal highness, Michelle Gaile Morales!" pag-aanunsyo niya pa bago ako tuluyang lumabas. Sinabayan din ng mga kaibigan namin ang trip niya.






"Wow!" sabay-sabay nilang sambit. Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil hindi ako sanay na ganitong nasa akin lahat ang atensyon.






"Whoo! Best friend ko 'yan!" Gabby cheered as she waved her purse like she just won a lottery.





"Michelle, tumingin ka rito!" Lumapit pa si Gian para makuhaan ako ng picture. Paparazzi siguro talaga siya sa past life niya.






"You're so... pink!" Parang kaunti na lang ay magiging puso na ang mga mata ni Solene habang nakatingin sa gown ko dahil paborito niya ang kulay nito.






"Omg! Ang gaganda naman!" Mayamaya ay dumating na si Ate Lexi. After her Saturday class, she promised to go straight here at the apartment. Gusto niya raw kasi kaming ihatid sa venue mamaya. "Kabog naman, Mitch! Palasyo na lang kulang!" Hawi pa ni Ate sa gown ko.






"Speaking of palasyo, I think you're prince charming's here, Michelle," sabi ni Jewel habang nakadungaw sa bintana.






Napakunot naman agad ang noo ko dahil wala naman akong maalalang may susundo sa'kin dito ngayon. Mayamaya lang din ay nakaakyat na ang tinutukoy ni Jewel.






"Nasaan po ang partner ko sa cotillion? Sasayaw na po kami," sabi ni Jayden nang makapasok na rin siya.





Yumakap ako sa agad sa kanya saka ako inikot. Parang sampung taon kami hindi nagkita. Sa sobrang busy ko na rin sa trabaho nitong mga nakaraan, hindi na siya nakakapunta rito o hindi na kami nakakalabas tatlo nina Gabby. No wonder I missed him so much.






"Whoa! Mitch! You look... You look amazing." Tinignan niya muli ang buong itsura't suot ko. "Ang ganda mo."






I really don't know how to respond to compliments so I smiled at him instead as my thank you. "And you look handsome as well," I complimented him back.






Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now