5

175 17 50
                                    

"Is she already asleep?" tanong sa'kin ni Jacob, sinisilip si Lily na nakahiga sa mga hita ko. Inangat ko ang unan na yakap niya at nakitang mahimbing na ang tulog.





"Dreaming already." I chuckled. Nakatulugan niya na ang pinapanood namin sa Netflix. Akala namin ay nagtatakip lang siya ng unan dahil natatakot siya sa pinapanood namin.






"We should take her to her bedroom," sabi ko habang inaayos ang higa ni Lily. Tumango naman si Jacob at pinatay na rin ang TV. Binuhat niya na ang kapatid niya paakyat sa kwarto nito.






Naiwan ako rito saglit dahil namanhid ang mga hita ko. Ang init din ng pwetan ko. Nang maging okay na ay saka ako nagligpit ng pinagkainan namin.




🍁

Sumunod na 'ko sa kwarto ni Lily dahil doon ako matutulog. Kaya lang nang makita ko ang higaan ay sakop niya na 'yon lahat. Natawa na lang ako nang makitang bagsak na bagsak siya. "Iyong totoo? Ano'ng ginawa niyan buong araw at ganyan kapagod?" Umupo ako sa tabi niya.






"Taekwondo training," sagot naman ni Jacob matapos niyang ligpitin ang iilang kalat ni Lily. "Seems like you don't have any space." Napailing-iling pa siya. "Niyaya ka niyang matulog dito pero wala ka namang mahigaan."





"Malapad naman ang sofa ro'n sa sala niyo. Doon na lang ako matutulog."






"I'm not allowing that."





"Sa sahig. May carpet naman."





"I won't let you sleep on a carpet either."





"Sige, sa bubong niyo na lang." Tumawa ako at gano'n din siya. Lumabas na rin kami ng kwarto ni Lily dahil baka maistorbo pa namin siya sa ingay naming dalawa. "You can... uh... sleep in my room."






He opened the door of his for me. Sumunod din naman ako sa pagpasok sa kanya ro'n. "D'yan ka. Dito ako." Saka siya pumwesto sa mahabang sofa na nasa dulo lang din ng higaan niya.





Malapit na mag-alas dose kaya umayos na 'ko ng higa ro'n. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya na ako na lang sana ang matutulog doon sa sofa dahil inaantok na rin ako. "We have cotillion practice at 9 a.m. tomorrow," sabi ni Jacob nang makahiga na rin siya.





"Noted..." Nagtakip ako agad ng bibig nang bigla akong mapahikab. Nag-set na rin ako ng alarm para ro'n. Papikit na sana ako nang marinig kong magsalita ulit si Jacob, tinatanong kung anong almusal daw ang gusto ko para bukas.





"Kahit ano." Humikab ako ulit. Narinig ko pa siyang natawa pero hindi ko na pinansin dahil tuluyan na ring bumagsak ang mga mata ko.





🍁

Kinabukasan ay parehas kaming late nagising. Hindi na rin kami nakapag-almusal pareho kakamadali papuntang school. Pagdating namin ni Jacob sa auditorium ay nagsisimula na ang practice.





Dali-dali naming inilapag ang mga gamit namin saka pumwesto sa stage. Hindi naman kami napansin ng instructor namin dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Ma'am Jesyl.






"Perfect! Nakuha niyo rin sa wakas!" sambit ng instructor nang makalapit na siya sa'min. Naka-pause na ulit ang tugtog saka nagturo ng panibagong steps.





Wala pa ako sa wisyo kaya hindi ko 'yon ma-gets pero si Jacob focus na focus. Ending, siya ang nag-alalay sa'kin buong sayaw. Mas na-gets ko rin ang turo niya kaysa sa instructor kanina.





Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon