7

138 12 39
                                    

Agad akong nahiga sa sofa nang matapos ang buong araw. Nagkanya-kanya na rin kami ng uwi dahil pagod kaming lahat, maliban kay Keira na pumarito muna dahil hindi pa dumadating ang kuya niyang susundo sa kanya.





"You guys really did a great job today. I'm proud." Humiga na rin siya sa tabi ko. "Pero okay ka lang ba? Wala ka bang nararamdaman na kahit ano? Nakainom ka na ba ng gamot?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin. Dahil sunod-sunod 'yon hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin.




"Yes, Ma'am. Okay na okay ako ngayon kaya 'wag ka na masyadong mag-alala sa'kin. Nakainom na rin ako ng gamot pagkatapos kong kumain at umakyat dito," paliwanag ko. Napatango-tango rin naman siya saka kami napabangon dahil may narinig na kaming sasakyan sa baba.





Sinilip namin 'yon at nakita naming naka-park na sa tapat ng coffee shop ang kotse ni Kuya Kenzo. Iyon nga lang, hindi ang kuya ni Keira ang lumabas mula ro'n kundi ang kaibigan niya kanina kaya napakunot ang noo namin parehas ni Keira.





"'Di ba siya si Joaquin? Iyong kaninang naghahanap sa kuya mo?" Turo ko pa ro'n.





"Uh-huh. What the heck is he doing here?" Napataas na lang siya ng kilay habang sabay naming pinagmamasdan si Joaquin sa baba, mukhang may hinihintay. Mayamaya lang din ay nagpaalam na rin sa'kin si Keira na mauuna na. Humalik na siya sa'kin sa pisngi bago tuluyang bumaba ng apartment.





I put myself to bed, ready to give myself some rest and be ready for tomorrow. At syempre hindi naman ako nakakatulog agad kaya nagmuni-muni muna ako, inaalala ang mga nangyari kanina sa coffee shop. Napailing na lang din ako nang maalala ko na magkasama silang dalawa kanina.





"Kalma, Mitch. Wala na kayo kaya 'wag ka na magselos o ano pa 'yang nararamdaman mo..." Hingang malalim ko sabay yakap ng unan. What a day...



🍁

"We switched cotillion partners." Agad na iniwas ni Jayden ang sarili niya sa'kin matapos niyang sabihin 'yon.




Kamuntikan ko na rin maibuga sa kanya 'yong kapeng iniinom ko. I think I burnt my tongue a little. Masama ko siyang tinignan. Parang gusto ko rin ibuhos ang kape sa'kin para magising ako, na hindi totoo 'yon.





"Switched? Meaning, simula bukas ay ikaw na ang partner ko sa sayaw at silang dalawa naman ni Chesca? E, akala ko ba ni-reject siya no'n?"




"Season change, I guess?" Alanganing ngumiti sa'kin si Jayden.





"Pwede bang sakalin kita hanggang sa kumalma ako?" Sarkastiko akong ngumiti sa kanya.





"Luh? Gagsti 'to. Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" He dramatically held his chest as if I stabbed him. Inaantok pa 'ko pero dahil sa binalita niya sa'kin, nahimasmasan ako. Iyon ba ang tinatawag na "balitang ina"?





Isinandal ko na lang ang sarili ko. Nangingilid na naman ang mga luha ko. Hindi pwede, Mitch! Pigilan mo 'yan. Cotillion lang 'yon...


"Hey, you know how to capture Jacob's heart, Mitch. He's your man after all."



Well, he was...



"Paano kung ayaw magpa-capture?" Natawa ako. Ang babaw lang naman kung iisipin. "'Wag mo na sagutin. Kapag ayaw din sa'tin, 'wag na natin pilitin. Besides, he already made it clear before that he don't want me to be his pair." I scoffed.




Sketched Memories of Yesterday (Insomniac Series 1)Where stories live. Discover now