Simula

407 0 0
                                    

Vieldaine Zxerah

Chance. Sino nga ba ang pwede o hindi pwedeng bigyan ng tsansa sa dalawang taong parehong nakagawa ng mali sayo? Yung taong minahal mo higit pa sa buhay mo o ang taong mahal ka at hindi ka iniwan kahit kailan? O kaya naman ay pareho?

In the world where real love is hard to find, does your love for each other is really inevitable?

Pero, hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng pagmamahal kung ang taong mahal mo ay nakagawa ng kasalanan sayo? A big mistake that made your world crushed into pieces. Is there a big chance na mapatawad mo pa siya at hayaan nalang ang puso mong humusga o gagawin mo ang alam mong tama? Mistake is a mistake and chances is given to those person who deserves it.

---

Matatawag nga kayang tunay na pagmamahal ang meron ako sa kanya?

Ipinagkatiwala ko sa kanya ang halos buong buhay ko at nagawa ko pang suwayin ang mga magulang ko para sa kanya pero, bakit parang nagkamali pa ako? Ganito ba talaga kapag nagmamahal? At ano nga ba ang mas tama? Ang sundin ang isinisigaw ng puso o ang sundin ang tamang isinisigaw ng utak?

Pero, kailan nga ba yon nagsimula? Oh right! It was all started with a tease from some of our classmates wayback in highschool.

It was an ordinary afternoon at kasalukuyang vacant time namin dahil absent ang teacher sa sumunod na subject. Pakalat kalat ang mga kaklase ko sa loob ng classroom habang kami naman ng mga kaibigan ko ay abala sa pagkukumpara ng activity assignment para sa susunod na klase.

"Viel! Patingin naman ng sagot mo sa assignment! I checheck ko lang kung tama ba yung ginawa ko." Reyda said kaya tiningnan ko naman siya.

"Wala ka bang tiwala sa sagot mo?"

"Meron naman pero sige na." Pamimilit niya.

"Kaya nga Viel, patingin narin ako." Dagdag naman ni Winter kaya napailing nalang ako at kinuha yung papel ko at ibinigay sa kanila.

"Ay bakit mali?" Reyda

"Sa akin din mali!" Winter

Tiningnan ko naman ang mga papel nila at napatampal nalang ako sa noo ko kasi wala naman silang ginawa.

"Palusot pa kayo, kopyahin niyo nalang at wag na kayong mahiya." Sambit ni Faylee na para bang sa kanya yung notes na kukopyahin.

"Pwede ba Viel?" Pagpapacute ni Reyda kaya umuo nalang ako.

"Bilisan niyo nalang jan basta satin satin lang yan."

Napa-yes naman ang dalawa samantalang napailing nalang kami ni Faylee at pinagpatuloy na ang ibang ginagawa. Mayamaya ay napatigil ulit ako kasi nag-ayang magbanyo si Faylee.

"Samahan mo ko besh!"

"Oo na." Sambit ko at sumunod na sa kanya.

Malapit lang ang restroom kaya mabilis din kaming nakarating doon.

"Besh, sa labas nalang kita hihintayin. Naiinitan kasi ako dito." Paalam ko sa kanya

"Sige lang besh. Aayusin ko lang yung buhok ko saglit." Tumango naman ako at nauna nang lumabas ng restroom at pumunta sa may hallway para makalanghap ng sariwang hangin.

Then saktong pagkalabas ay namataan ko sa may hallway malapit lang sa tinigilan ko ang tatlong lalaking taga kabilang section na kabatch ko at mukhang may inaabangan ata.

They saw me and I didn't expect na ako pa yata ang inaabangan nila kasi lumapit ang dalawa sa akin.

"Viel.."

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now