3

107 4 0
                                    

Hindi ko nalang pinansin yung text ni Jex sa akin at tinungo nalang ang daan papasok sa restaurant. This was owned by Raine's family at mukhang pinasara ng maaga para lang makapagcelebrate kami.

I was about to enter the restaurant nang may kamay na bigla nalang humawak sa kamay ko. Gulat ko namang nilingon si Rouver na siyang pumigil sa akin sa pagpasok.

"Sandali lang Viel." Aniya

"Bakit?"

"Kayo..kayo ba ni Aspero?" He asked habang hawak parin ang kamay ko.

Pati rin siya iniisip na kami ni Jex?

"Ako at si Kuya Jex? Hindi ah. Kaibigan ko lang siya at parang magkapatid na ang turingan naming dalawa." I said while sounding so convincing.

"Akala ko kayo. Mabuti naman." Anito pero hindi ko narinig yung huling sinabi niya kasi may dumaang sasakyan.

"May sinabi ka ba?"

"Wala, tara na. Pasok na tayo." Aniya at nauna nang pumasok sa restaurant na sinundan ko naman.

Rouver seems so weird simula pa noong isang araw magpahanggang ngayon. Tapos kanina ko pa napapansin na panay ang lapit niya sa akin samantalang ako naman ay umiiwas sa kanya.

"Saan kayo nagpunta ni Aspero insan?" Klynn asked na siyang katabi ko ngayon sa kaliwa habang nasa kanan ko naman si Fay na katabi naman si Reyda at Winter. Sa kaliwan naman ni Klynn ay si Rel at katapat nito si Raine na katabi naman si Jesh, Rouver at yung tatlo pa naming kaklase.

Ayoko sanang sagutin pero nasa akin lahat ng atensyon nila kaya sinagot ko nalang ang tanong ng pinsan ko.

"Sa bahay nila. May binigay lang siya sakin tsaka nagpaalam narin kasi lilipat na siya sa Maynila kasama ng pamilya niya." Sambit ko at pilit itinago ang malungkot na tinig.

"Oh? We didn't know that your that close to him now." Kumento ni Raine.

Nginitian ko nalang siya at hindi na sumagot pa.

"Pero teka besh. Bakit naman siya lilipat eh malapit nang matapos ang school year?" Reyda asked

"Family matters daw eh." Sagot ko naman.

"Bakit feeling ko mas close ka pa sa lalaking yon kaysa sa amin?" Klynn asked at napakibit balikat naman ako. Ewan ko rin kung bakit mas malapit ako kay Jex kaysa sa kanila.

"Malay ko, tanong mo kaya sa sarili mo." Sambit ko na ikinahalakhak naman ng mga kasama namin dito lalo na ng mga kaibigan ko.

"Natututo na ang ating shy princess sa pagsagot. Epekto ba ito ng isang Aspero kaya mabilis matuto?" Winter said

"Epekto niyo kamo. B.I kayo kay Viel e." Rel said

"Wow ha! Edi ikaw na ang good influence! Pero paano yan beshy? Aalis na si Rouffer mo. LDR kayo ganon?" Fay kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"We're not in a relationship besh okay? Kuya ko lang yon parang yung dalawang to."

"Weh? Yung totoo? Then whats with that take care baby thingy ni Rouffer mo sayo lagi?" Reyda

"Yun lang yung tawag ni Kuya Jex sakin tsaka nag-iisang anak lang siya kaya ako yung tinuturing niyang kapatid."

"Hindi nga kasi sila girls, mapilit talaga kayo. May iba naman kasing gusto itong shy princess natin, right Viel?" Jesh said which made me stopped from moving then I unconciously made an eyecontact with Rouver bago nalipat kay Jesh na ngumisi lang sa akin.

May alam ba siya? Halata na ba ako?

"Di nga besh? Sino?" Hindi makapaniwalang sambit ni Winter.

As if namang sasabihin ko sa kanila.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now