27

66 2 0
                                    

Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid nang kalsada pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko.

"The f*ck! Kailan ka pa niya niloloko ha?" Galit niyang sambit at lumuluha ko naman siyang sinagot.

"Ilang beses na pero nagbubulag bulagan lang ako at lagi ko siyang pinapatawad sa kasalanan niya. Then yesterday I just found out that he's doing it again. Ilang beses na siyang wala sa bahay kaya nagduda na ako at kahapon ay nalaman kong nagsisinungaling nga siya sakin. I saw it in my own two eyes Reath. Kitang kita ko ang panlolokong ginagawa niya habang nakatalikod ako."

"D*mn it! Hindi kita hinayaang mapunta sa kanya para lang saktan ka ng ganito Daine! Akala ko ay karapat dapat na siya sayo but f*ck! This is not f*cking right!"

"Reath..what I am going to do? Ayokong magkahiwalay kami pero nasasaktan na ako. At tsaka..buntis ako Reath at ayokong mawalan ng ama ang anak ko." Sambit ko at napahagulgol na naman.

Ayoko sanang malaman niya yon pero wala akong mapagsasabihan ngayon sa problema ko. Sobrang bigat na kasi ng dinadala ko at baka ano pang mangyari sa akin kung isasarili ko itong problemang to.

"W-What?? You're pregnant?"

"Y-yes..kahapon ko lang nalaman."

"F*ck!!" He shouted while gritting his teeth because of so much anger.

Galit na galit siya at nang paandarin niyang muli ang sasakyan niya ay hindi na niya ako kinibo.

Kahit nga hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo ay hindi na niya ako kinausap pa at malamig niya lang akong pinagbuksan ng sasakyan niya saka umalis ng walang paalam.

Umiiyak tuloy akong umakyat sa condo pero nang may ibang tao akong nakita sa loob ay bigla akong napatigil sa pag-iyak.

"So dito ka pala binabahay ng anak ko?" Bungad nito at saka ko lang siya namukhaan.

Sh*t! Bakit nandito ang nanay ni Rouver?

"Sino po kayo?" I asked eventhough I already knew her.

"You didn't know me?? Ako lang naman ang ina ng lalaking kinakalantari mong malandi ka! Wala kang delikadeza! Pati lalaking may asawa na pinapatulan mo pa!" Sigaw niya na ikinatulos ko naman sa kinatatayuan ko.

W-what??

"W-what are you talking about maam?" Nanlalamig kong tanong sa kanya.

"Oh my dear! Hindi mo ba alam na may asawa at anak na ang anak ko ha?? He is already 4 years married to the girl he loves the most!" Sagot niya na ikinailing ko naman.

"N-no..hindi po yan totoo. Nagsisinungaling lang kayo."

"Do you want a proof? Gusto mo bang patunayan ko pa sayo na kabit ka lang ng anak ko ha? Here para maliwanagan ka!" Anito at hinagis sa akin ang isang envelope.

Ayoko sanang kunin pero parang may sariling isip ang mga kamay ko at kinuha ito saka binuksan. And there..I saw the most heartbreaking truth that I didn't thought it exists.

Rouver Celrix is married at habang kami pa noon ay nagpakasal siya sa ibang babae! Sa babaeng minsan na naming pinag-awayan! Sa babaeng gustong gusto ng mga magulang niya para sa kanya!

Akala ko ay napakasakit nang malaman na may babae ulit siya pero mas may isasakit pa pala yon nang mabasa ko ang katibayan na totoo ang sinasabi ng nanay niya.

All this years ay akala ko ako lang! Ako lang ang mahal niya! Na ako lang ang papakasalan niya pero ang gago ay matagal ng nagpakasal sa iba! Pinaasa niya ako! Pinaasa niya akong kami ang magsasama sa huli!

"Mom? Anong ginagawa mo dito? At anong ginawa mo kay Viel?" Rouver who just suddenly showed up ay agad lumapit sa akin pero mabilis ko namang naitulak palayo.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant