2

142 3 0
                                    

Inabot naman niya yung tubig sa akin at nagulat naman ako nang mahawakan niya pati yung kamay ko. Kumalabog na naman tuloy ng malakas ang dibdib ko.

"Sorry." Aniya at awkward naman akong ngumiti sa kanya.

"Okay lang. Sige." Sambit ko at nagmadali nang lumayo.
Sana lang ay walang nakapansin don sa nangyari.

Pagkabalik ko sa pwesto kanina ay nakita ko ang pagngisi ni Jex sa akin.

"What?"

"Nakita ko yon."

"Ang alin?"

"Hinawakan niya kamay mo. Don't worry, ako lang yung nakakita."

"Aksidente lang yon no."

"Sinadya yon, mukhang may gusto narin yata yon sayo. Iba kung makatingin e."

"Wag ka nga jan Jex. Kung ano ano nalang pinagsasabi mo. May girlfriend na yan kaya hindi na yan magkakagusto sa iba."

"I don't think so." Aniya na ikinailing ko nalang. Ayokong umasa kasi masasaktan lang ako. Alam ko namang mahal non yung girlfriend niya.

Natapos ang laro at nanalo ang team namin kaya tuwang tuwa kaming lahat nang buong batch namin.

"Congrats Guys!" Bati namin sa kanila. Nakisali na ako kasi nakakahiya naman kung hindi ko sila babatiin.

"Salamat mga classmates at dahil jan magpapakain ako ngayon kasi champion tayo!" Sabi ni pres

"Yown! Yan ang gusto namin sayo pres e! Galante!" Sambit ng pinsan ko.

"Kasama ba kami jan pres Raine?" Winter asked.

"Of course! Lahat tayong buong batch!" Napayes naman ang lahat dahil sa sinagot ni Raine.

"Walang tatanggi maliwanag? Dapat lahat sasama." Dagdag ni Raine kaya nagsalita naman ako.

"Actually, hindi yata ako makakasama. May usapan kasi kami ni Jex." Tsaka ayaw ko ring makasama si Rouver kasi gusto ko nga siyang iwasan.

"Ang kj mo talaga Viel! Sabihin mo nalang kay Rouffer mo na sa susunod nalang yang pupuntahan niyo. Baka hindi naman siguro importante yon." Kontra ni Fay at sasagot na sana ako nang makisali si Jex sa usapan namin.

"Hahabol nalang si Viel sa inyo, saglit lang naman kami sa pupuntahan namin. Ihahatid ko siya kung saan kayo pupunta." Anito habang nakaakbay sa akin at hindi na nakaangal pa ang mga kasama ko.

Nang mahiwalay na ako sa grupo ay sumakay na kami ni Jex sa kotse niya at tinungo ang bahay nila. He's already in legal age kaya pwede na siyang magdrive ng sasakyan.

"Sayang, sana sumali nalang ako sa laro. Kami siguro ang mananalo." Jex uttered kasi natalo yung team nila. Grade 12 na kasi ang isang to kaya lang ay may pinuntahan siya kahapon thats why he wasn't included sa line up ng team nila.

"Asa ka naman Jex. Mas magaling kaya yung team namin. Ikaw lang naman yung magaling sa inyo." I said

"Aw! I'm flaterred baby. Bilib na bilib ka talaga sa akin no?"

"Ewan ko sayo. Pero teka. Ano bang importanteng sasabihin mo sakin? Tsaka pati anong ibibigay mo? Pasalubong ko?" I asked pero hindi talaga niya sinabi hanggat hindi kami nakakarating sa bahay nila na malapit lang sa school.

"Viel, alam kong nangako ako sayong hindi kita iiwanan pero kasi..kailangan kong sumama pabalik sa Maynila kina mama. My Grandma is dying at gusto niya na nandoon kaming lahat bago siya mawala."

"W-what? Paano yung..pano yung pag-aaral mo dito?." I said at feeling ko maiiyak na ako dahil sa narinig ko. Hindi ko rin kasi inaasahan to.

Eversince I've known him ay naging dependent na ako sa kanya. Siya lang kasi yung laging nagtatanggol sa akin especially sa parents ko. He is my big brother that I never had kasi babae lahat ang mga nakakatatanda kong kapatid. At ngayong mawawala na siya, mukhang wala naring magtatanggol pa sa akin.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now