17

67 0 0
                                    

Tahimik lang kaming dalawa habang pauwi pero minsan ay napapasulyap ako sa kanya dahil ito ang unang pagkakataon na hindi niya ako kinikibo. He seems mad at syempre dahil yon sa ayaw na ayaw niyang napagkakamalan siyang ibang tao.

He already saw how they are so similar to each other at minsan ay nasumbatan na niya ako tungkol don kasi baka daw lumapit at nakipagkaibigan lang ako sa kanya dahil magkamukha sila. Nagalit siya sakin at halos isang buwan niya akong hindi kinibo dahil don.

I admit nacurious ako sa kanya kaya nakipaglapit ako sa kanya noong una but as the time passes by at nakilala ko siya ay ginusto ko na siyang maging kaibigan. I was just curious but I never intended to be close to him just because they are so much alike. It never crossed in my mind at magkaiba silang tao kaya magkaiba din ang turing ko sa kanila.

Malapit lang ang building kung nasaan ang penthouse ni Klynn kaya agad din kaming nakarating na dalawa.

"Are you mad?" I asked him na ikinatingin naman niya sakin.

"No. You can go now and just wait for your cousin." Malamig niyang sambit at saka umiwas ng tingin.

"Reath.." I said like a warning and he sighed.

"I'm just pissed about what happened not mad okay?"

"But you look mad at me. Ni hindi ka nga makatingin sakin ng maayos."

"I'm not okay? And I'm sorry. It's just that I'm pissed about everything thats happening in my life." Aniya at nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Huh? Why? What happened?"

"Sorry Daine but I'm not in the mood to tell it to you right now."

I sighed on his answer kasi alam kong hindi ko talaga siya mapipilit na magsalita. But once he's ready ay sigurado namang sasabihin niya agad sakin kung ano yon.

"Ingat ka sa pag-uwi at magtext ka sakin kapag nakauwi ka na okay?" I told him and he just simply nodded.

"Okay. Goodnight."

"Goodnight." Huling sinabi ko at hinalikan muna siya sa pisngi bago lumabas ng sasakyan niya.

Hinintay ko narin muna siyang makaalis bago pumasok sa building at umakyat na sa floor kung nasaan ang penthouse ng pinsan ko. I have an access on his penthouse thats why nakapasok agad ako.

Half an hour nang makarating ako ay dumating narin si Klynn na inulan agad ako ng tanong.

"Bakit magkamukha sila Viel? At bakit hindi mo siya pinapakilala sa amin lalo na sa kanya? Tsaka magkaano ano sila?"

"I don't know how related they are kasi walang sinasabi sakin si Reath. I am asking about that pero maski siya walang alam. Tsaka hindi ko rin siya naipakilala sa inyo kasi ayaw niya. As much as possible, he wants his identity to be hidden to others especially to him."

"Nakakapagtaka naman. Pero ang nakakapagtaka rin lalo, bakit gustong gusto talaga siya ng mga magulang mo samantalang yung isa ayaw na ayaw nila."

"I really don't know couz."

"Though ikaw pa talaga ang nakakilala sa kanilang dalawa."

"Yeah and they are both special to me kaya lang ay hindi ko sila pwedeng ipakilala sa isa't isa."

Pagkatapos ng pag-uusap naming yon ay nagpaalam na akong magpapahinga kasi late narin. Pero bago ako natulog ay tinawagan ko muna si Rouver dahil nakalimutan ko siyang tawagan kanina.

Hindi niya agad sinagot ang tawag ko pero after another ring ay nasagot narin ito pero hindi siya ang nagsalita.

It was a girls voice na hindi ko agad nabosesan.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now