35

102 2 0
                                    

Isang nakakasilaw na liwanag galing sa labas ang nagpagising sa akin nang sumunod na araw at nang iminulat ko ang mata ko ay nakangiting mukha agad ni Rouver ang bumungad sa akin.

"Good morning beautiful.." he huskily whispered while straightly looking at my eyes.

"Ah..good morning. Anong oras na?" I said awkwardly at lalayo na sana sa kanya nang bigla niya akong hilahin pabalik at ipinahinga ang ulo ko sa dibdib niya.

"Lets just stay like this for a while babe. It's still eight in the morning." Anito at wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya tsaka..ang kumportable nang pakiramdam ko sa posisyon naming dalawa ngayon.

"Okay..but can we talk instead?" I asked

"Hmm..sure. Marami rin akong gustong sabihin sayo." He answered

"Yung..tungkol sa sinabi mo kagabi. Pinutol mo na ba talaga ang koneksyon mo sa pamilya mo?" Muli kong tanong sa kanya.

"Yes babe, it's after I've found out na niloloko ako ng sarili kong mga magulang para lang sa pansarili nilang interes. They are using me for our business and what is more maddening is that pinaniwala nila akong kasal ako sa ibang babae para masira tayong dalawa. What you've told me before is all true at kung hindi ko pa narinig yon sayo ay hindi ako magkakaron nang lakas ng loob na kalabanin sila."

Napabangon naman ako bigla at kunot noo siyang tiningnan.

"What? Y-you're not married to that b*tch? Kailan mo pa nalaman?"

"It's that time when I went to you almost two weeks ago. Kaya nga sinabi ko sayong hiniwalayan ko na siya kasi hindi totoong kasal kami at mas lalong hindi totoong anak ko ang anak niya. Kaya lang naman ako nanatili sa kanya para sa bata but after I've learned everything ay iniwan ko na sila."

"But..how can you explain everything na nakita ko sa dating condo mo? I..I saw you with that b*tch doing--" hindi naman natuloy ang sinasabi ko nang pigilan niya ako.

"It's not me babe believe me at sa loob nang mga taong kasama ko siya ay walang nangyayari sa amin! At nang mga panahong sinasabi mong kasama ko siya ay nandito na ako at kakalipat ko lang non. I don't know how that b*tch got the keys of my condo pero hindi ako yung nakita mong kasama niya. It was my cousin and your bestfriend. Rel can attest to that kasi nalaman niya yon noong nag-imbestiga siya. Ilang beses na pala akong ginagaya ng gagong yon at nagpapanggap siyang ako!" Aniya na ikinasinghap ko naman at muling nabuo ang galit ko sa dalawang taong yon.

Now everything made sense. Kaya pala sa tuwing nagagalit ako kay Rouver o kaya ay nakikita ko siyang kasama ang babaeng yon ay nariyan palagi si Reath at sumusulpot para maging sandalan ko. Yun pala ay pinlano nila itong lahat!

"And babe..I know this is too much to take but your bestfriend is the real husband of Alionna and he is also the father of that kid." Rouver added na mas nagpagalit pa sa akin.

"D*mn! Why do they really want to ruin me?? Anong kasalanan ko sa kanila para lokohin nila ako nang ganito?? Kung hindi mo pa ako iniligtas kagabi ay magmumukha na naman akong tanga sa harap nila! How dare them?!"

Arghh!! Ang sasarap sanang sampalin ang mga walang hiyang yon!

"Don't worry babe, babalik din sa kanila ang mga ginawa nila sa atin."

D*mn it!! I really can't believe na magagawa ni Reath yon sa akin lahat. I thought he's a good man because of what he is showing to me pero lahat pala yon ay purong pagpapanggap lang! Nagsisisi akong pinagkatiwalaan ko siya mula pa noon!!

"Humanda talaga sila sa akin kapag nagkita kami lalo na ang malanding yon! Akala mo kung sino! Arggh!!" Pasigaw na sambit ko pero natigilan ako sa paghihimutok nang makita ang amusement sa mukha ni Rouver kaya kunot noo ko naman siyang tinaasan ng kilay.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now